Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 5 bagong episodes sa Magpakailanman, kaabang-abang
5 bagong episodes sa Magpakailanman, kaabang-abang

5 bagong episodes sa Magpakailanman, kaabang-abang

MAY handog na bagong episodes ngayong buong buwan ng Oktubre ang real-life drama anthology na  #MPKMagpa­kailanman.

Limang bagong episodes ang inihanda at nai-tape sa ilalim ng istriktong health and safety protocols sa set.

Nitong nakaraang Sabado ay napanood sina Shaira Diaz, Yayo Aguila, Luis Hontiveros, at Anthony Rosaldo sa fresh episode na pinamagatang Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story. Kuwento ito ng isang nurse na nag-viral matapos tulungang manganak ang isang street dweller sa Makati.

Ngayong Sabado (October 10), bibida naman sina Bea Binene at Martin del Rosario sa episode na The Lockdown Wife. Kuwento ito ng isang battered wife na nagawa pang ikulong ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay ng ilang buwan.

Abangan ang nakaaantig sa pusong istorya na ‘yan sa Magpakailanman sa Sabado, 8:15 p.m., sa GMA-7.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top