Sunday , September 7 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Depresyon at pandemya

It’s so difficult to describe depression to someone who’s never been there, because it’s not sadness. I know sadness. Sadness is to cry and to feel. But it’s that cold absence of feeling—that really hollowed-out feeling.

— J.J. Rowling of Harry Potter fame

 

BUKOD sa banta ng pandemya ng coronavirus sa halos lahat ng aspekto ng ating pamumuhay, ang depresyon ay mabigat na suliranin para sa atin — lalo sa gitna ng mga lockdown at health safety measures na kailangan nating sundin upang maiwasan ang pagkakasakit ng CoVid-19 at mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na karamdaman na kumitil na sa maraming inosenteng buhay.

Mabigat na usapin ang depresyon dahil para sa ilang health expert, may epekto ito sa ating sakit, at ito ay sa paniniwalang ang karamihan ng problema natin sa kalusugan ay psychosomatic, o nagmumula sa sakit na pinalala ng isang mental factor tulad ng internal conflict o stress.

Ito marahil ang dahilan kung bakit kinitil ang sariling buhay ng multi-awarded Japanese actress Yuko Takeuchi, na natagpuang wala nang buhay sa kanyang tahanan sa Tokyo, ayon sa ulat ng ilang mga Japanese news source.

Batay sa report ng The Japan Times, nadiskubre ang bangkay ng 40-anyos aktres na nagbigti sa loob ng kanyang silid ng isa sa kanyang kamaganak at kinompirma siyang patay sa isang lokal na ospital. Walang suicide note na natagpuan ngunit dahil sa mga pangyayari ng kanyang pagpanaw, pinaniniwalaang nagpatiwakal siya dahil sa depresyon.

Bilang isang batikang aktres, napanalunan ni Takeuchi ang maraming best actress at best-supporting actress award para sa kanyang pagganap sa Hayabusa, 1,778 Stories of Me and My Wife at Golden Slumbers. Bumida rin siya bilang babaeng Japanese Sherlock sa produksiyon ng Home Box Office (HBO) television drama na Miss Sherlock bukod sa pagganap sa 1998 horror film na Ringu.

Sa paggunita sa kanyang career sa pinilakang tabing, hindi makapaniwala ang karamihan sa kanyang pagpapakamatay at dahil na rin malaki pa ang posibilidad na sumikat pa siya dahil sa angking talent at kagandahan. Ngunit dagliang naglaho ito dahil sa kanyang pagpanaw.

Gayonman, naglunsad ang Tokyo Metropolitan Police Department ng imbestigasyon sa kabila na ang mga ebidensiya ay nagtuturo sa iisang konklusyon na si Takeuchi nga ay nag-harakiri.

Kaugnay ng hindi inaasahang pagkasawi ni Miss Takeuchi, maaalala natin kung bakit ang maraming mga Bombay sa sub-continent ng India ay nagpapatiwakal din dahil sa depresyong dala ng coronavirus health crisis — at ibilang na rin ang lumolobong bilang ng mga Thai at gayondin ang mga Pinoy na nahaharap sa financial downturn na naging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya sa Thailand at Filipinas.

Nanawagan na ang Simbahang Katoliko sa ating pamahalaan para tugunan ang usapin ngunit may pasaring na ang kaparian, bilang mga pastol ng kanilang kawan—ay kinakailangang maging mas sensitibo sa mga problema ng mananampalataya kaysa mga opisyal ng pamahalaan na abala na sa mga suliranin ng bansa at ng sambayanan.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

Torre knockout sa loob ng 85 Araw

PADAYONni Teddy Brul NAKAGUGULAT ang biglaang pagkakatanggal kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng …

Firing Line Robert Roque

Isa pang panalo vs online gambling

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISANG linggo makaraang manindigan ang GCash laban sa online …

Dragon Lady Amor Virata

Salamat sa DSWD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DALAWAMPU’T DALAWANG ospital sa bansa ang tumatanggap ng guarantee …

Firing Line Robert Roque

China, tahimik lang; asar-talo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKABIBINGI ang pananahimik ng China. At dinig ito ng …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Tambalang national gov’t, LGUs at NLEX tutugon sa  flood mitigation

PADAYONni Teddy Brul PINADALISAY ang pagtutulungan ng NLEX Corp., sa Department of Transportation (DOTr), Toll …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *