Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Barbie, nawala sa isip ang pandemic nang umarte muli sa telebisyon

Barbie, nawala sa isip ang pandemic nang umarte muli sa telebisyon

NA-MISS talaga ni Barbie Forteza ang pag-arte.

“Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene, one of the many revelation scenes. Tapos maraming eksena rin siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin. After niyon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte noh?’ Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script. Pero ‘yon, nakatutuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena,” kuwento ni Barbie sa interview ng GMANetwork.com.

Dagdag ni Barbie, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Maraming fans ni Barbie ang excited na sa pagpapatuloy ng kuwento ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Joe Barrameda

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top