Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tulak timbog sa P170-K shabu (2 menor de edad nasagip)
Tulak timbog sa P170-K shabu (2 menor de edad nasagip)

Tulak timbog sa P170-K shabu (2 menor de edad nasagip)

ARESTADO ang isang tulak ng ilegal na droga habang dalawang menor de edad ang nasagip sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38 anyos, ng V. Cruz St., Barangay Tangos.

 

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 1:55 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ang buy bust operation laban kay Magbanua sa Ignacio St., Barangay BBN.

 

Isang undercover police ang itinalagang poseur buyer at nagawang makabili sa suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu, agad siyang dinamba ng mga operatiba habang nasagip ng mga pulis ang dalawang menor de edad.

 

Nasamsam sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, P500 cash at buy bust money.

 

Dinala sa Bahay Pag-asa ang dalawang nasagip na menor de edad habang sinampahan ng kasong ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Magbanua sa Navotas City Prosecutors’ Office. (ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top