Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya at Eugene, tuloy ang bangayan
Sanya at Eugene, tuloy ang bangayan

Sanya at Eugene, tuloy ang bangayan

PATULOY ang bangayan at bukingan ng sikreto nina Stella (Eugene Domingo) at Nelda (Sanya Lopez) sa second part ng fresh episode ng  Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U ngayong Linggo, September 27.

 

Dahil hindi magkasundo ang dalawa kung kanino dapat mapunta ang iniwang mana ni Marco, naisipan ni Atty. George (Gardo Versoza) na hatiin na lang ang iniwang pera para matapos na ang gulo.

 

Hindi nagtagal ay naawa na rin si Stella sa kanyang karibal na nagdadalang-tao at pumayag na hatiin na lang ang pera ngunit ayaw itong tanggapin ni Nelda na gustong makuha ng buo ang mana.

 

Napilitan si Stella na isuko ang kanyang karapatan dito pero may natuklasan siyang malaking sikretong itinatago ni Nelda. Ano kaya ito?

 

Panoorin ang ikalawang bahagi ng Ang Dalawang Mrs. U ngayong Linggo (September 27) sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top