Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marcus at kapatid ni Janella, okey ang bonding sa London
Marcus at kapatid ni Janella, okey ang bonding sa London

Marcus at kapatid ni Janella, okey ang bonding sa London

ANG isa pang natsistsimis na buntis ay si Janella Salvador at ang pinaghihinalaang ama ay ang matagal na n’yang itinatangging boyfriend: si Marcus Patterson.

Pareho silang nasa London ngayon, na roon permanenteng naninirahan ang pamilya ni Marcus. Ang bigla nilang inamin ay matagal na talaga silang magkarelasyon mula nang iwan ni Janella si Elmo Magalona.

Wala pa namang pagtangging ginawa ang dalawa na buntis si Janella bagama’t biglang sumunod si Jenine Desiderio, ina ni Janella, sa London, kasama ang baby brother ng aktres. Baka pag-uusapan doon ang kasal, o pagli-live in, o ang pagdadalantao ni Janella? Biglang tumigil si Janella ng pagpo-post sa Instagram pagkatapos n’yang mag-post ng romantic picture nila ni Marcus sa London.

Pero may nag-post ng picture sa Instagram na naglalaro ng bola si Marcus at ang kapatid ni Janella sa isang lawn na mukhang kuha sa London.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top