Saturday , September 13 2025

Alcohol, detecting device may bayad (Ospital walang awa)

KUNG ang public markets, malls, city hall o municipal hall at ibang establisimiyento ay libre ang alcohol, ang tinatapakan ng mga paa, at kung ano-anong disinfecting devices para maprotektahan ang lahat ng pumapasok bilang health protocol sa pag-iwas sa CoVid-19, negosyo naman ang ipinaiiral ng isang pribadong ospital na matatagpuan sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Bawat pasyente na may appointment sa isang doktor, o nakaiskedyul for check-up kinakailangang dumaan sa health devices gaya ng paghugas o spray ng alcohol sa mga kamay. May temperature detecting device, para malaman kung may lagnat.

Bago pumasok sa kuwarto ng doktor na nakaiskedyul na titingin sa pasyente, alcohol uli at tatapak sa doormat na may disinfectant, at kuha ulit ng temperature.

Napakataas na nga maningil ng nasabing ospital, kesehodang health card ka o health insurance, maglalabas ka pa rin ng cash na P150 na hindi naman puwede i-deduct sa health insurance o health card ng pasyente. Ang halagang P150 ay kabayaran sa health protocol devices.

Isang pasyente na pabalik-balik sa nasabing ospital dahil sa laboratory tests na ginagawa sa kanya kada punta niya ay nagbabayad siya ng P150, bagama’t may resibo tila mali ang patakaran ng nasabing ospital.

Dahil mayroon naman tayong hawak na resibo at nakausap natin ang pasyente, heto po ang pangalan ng ospital, Grace Hospital na matatagpuan sa Quirino Highway Ext., SJDM.

Kahit pa pribadong ospital, nasa ilalim pa rin ito ng responsibilidad ng Department of Health (DOH). Ilang P150 sa bawat pumapasok sa nabanggit na ospital, bilangin na natin ang dumadalaw o nagbabantay sa mga pasyente na ‘di naman CoVid!

Pandemic na nga, may ospital pang walang awa!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *