Thursday , September 18 2025

Xian at Ricky, magdidirehe sa CCP

KINUHA ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sina Ricky Davao at Xian Lim para magdirehe ng ilang produksiyon para sa mistulang festival na Sining Sigla na proyekto ng mismong CCP president na si Arsenio “Nick” Lizaso.

Mula Oktubre hanggang Disyembre itatanghal ang proyekto na hindi lang mga pang-entablado kundi pampelikula rin.

Actually, ‘yung ididirehe ni Xian ang kakaiba dahil puppetry films ang mga ‘yon. Ang mga ‘yon ang magiging kauna-unahang puppetry films sa bansa. Ii-stage ‘yon ng ventriloquist-puppeteer na si Ony Carcamo (lalaki po siya!) na noon ay naging entertainment editor ng isang tabloid na ang publisher ay ang The Manila Times.

“MALA” ang bansag sa dalawang puppetry films na gagawin nina Xian at Ony dahil ang mga ito ay Movies Adapted from Literary Arts. Ganoon ang titulo dahil adaptation ng Ibong Adarna at Florante at Laura ang isa sa pelikula nila na ang gaganap ay mga puppet.

Parehong maraming tauhan at parehong hitik ang plot ng dalawang sinaunang literary works na Ibong Adarna at Florante at Laura ‘di madaling isapelikula ng buo, kaya ia-adapt nila ang mga ito.

“Kaya ‘mala’ lang po ‘yung itatanghal namin at hindi ‘yung mga original na ‘Ibong Adarna’ at ‘Florante at Laura,’” paliwanag ni Ony noong virtual press conference para Sigla festival.

Masasabing unang nasangkot ang Viva Entertainment Star na si Xian nang nagkaroon siya ng entry sa 2019 Cinemalaya na marami namang nanood at nagkagusto. And, happily, nag-participate naman si Xian sa Zoom media conference ng Sigla.

Sa kabilang banda, si Ricky Davao ay matatawag nang isang batikang director sa GMA 7, bukod pa sa pagiging aktor sa pelikula, telebisyon, at entablado–pero ngayon pa lang siya magdidirehe para sa CCP. Actually, parang festival-within-a festival ang ididirehe n’yang  Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan. “Mini-festival” itong maituturing dahil nga may iba’t iba itong components na directly or indirectly ay may kinalaman kay Huseng Batute. 

Kabilang sa mga ididirehe ni Ricky ay sina John Arcilla, Lara Maigue, at si Michael V ng Kapuso Network na magiging host ng mini-festival.

Kung medyo sawa na kayo sa pop music at sa labas-litid na pagkanta, siguradong mag-e-enjoy kayo sa Jazz Stay at Home na itatanghal Sept. 25 hanggang Oct. 5.

Kabilang sa mga jazz artist na itatampok sa Jazz Stay at Home sina Nicole Asensio, ang magkapatid na pianistang si Pipo Cifra at jazz singer na si Lorna Cifra, ang saxophonists na sina Tots Tolentino at Michael Guevarra at ang all-women jazz vocal group na Baihana na kinabibilangan ng anak ni Ryan Cayabyab na si Krinna.

In December, the Philippine Philharmonic Orchestra will headline a virtual Christmas concert called Pamaskong Handog ng PPO.

Of course, virtual pa lahat ng pagtatanghal. Abangan n’yo po sa CCP Facebook page. ‘Yung sa PPO ay mapapanood din sa PPO Facebook page.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ralph Dela Paz

Ralph Dela Paz lucky year ang 2025 

MATABILni John Fontanilla MUKHANG lucky year para kay Ralph Dela Paz ang 2025 sa dami ng proyektong …

Alden Richards

Alden ibinahagi ibig sabihin ng  salitang ‘kuracaught.’

MATABILni John Fontanilla HINDI na rin napigilan ni Alden Richards na maglabas ng saloobin, kaugnay sa mainit …

Xia Vigor Para Sa Isat Isa Krissha Viaje Jerome Ponce

Xia may ka-loveteam na, gustong makatrabaho si Donny

MA at PAni Rommel Placente MIRACLE In Cell No. 7. Ito ang pelikulang maituturing ng …

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Lloydie-Bea project posible: Hindi naman nawawalan ng offer

MA at PAni Rommel Placente TINANONG si Bea Alonzo sa interview sa kanya sa 24 Oras, kung magkakaroon …

Bea Alonzo Vincent Co

Bea sa balitang engage na kay Vincent: Nauunahan pa ng tao ang pangyayari sa buhay ko 

MA at PAni Rommel Placente SA balitang engaged na si Bea Alonzo kay Vincent Co, may reaksiyon dito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *