Saturday , October 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bantang rape ng netizen kay Liza, tinadtad ng bash
Bantang rape ng netizen kay Liza, tinadtad ng bash

Bantang rape ng netizen kay Liza, tinadtad ng bash

NAG-APOLOGIZE iyong isang ang pangalan ay Melissa Olaes, gamit ang kanyang social media account, dahil sa kanyang nagawang pagbabanta ng rape kay Liza Soberano. Sinabi niyang katakot-takot na bash ang kanyang inabot dahil sa kanyang statement na iyon, na sa palagay naman niya ay parang karaniwang pribadong usapan lamang, at hindi niya inaasahan ang ganoong reaksiyon.

Aba nakalimutan yata niya na hindi ang kanyang kapitbahay lang niya ang kanyang kakuwentuhan kundi ang buong bayan dahil iyon ay social media nga. Iyang social media ay public communication at hindi iyan isang private medium. Lahat ng sabihin mo riyan makikita ng iba. Iyong bantang magandang maipa-rape si Liza, nakita ng maraming tao, pati na ng mga posibleng rapist.

Hindi kasi dapat post lang nang post nang kung ano-ano.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top