Saturday , October 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 15 pelikula, libreng mapapanood sa Youtube via Superstream
15 pelikula, libreng mapapanood sa Youtube via Superstream

15 pelikula, libreng mapapanood sa Youtube via Superstream

MAHILIG ka bang manood ng Pinoy movies? Puwes, ito na ang iyong pagkakataon na makapanood ng mga Pinoy movie sa pamamagitan ng Cinema One at Star Cinema. Libre ito ngayong buwan na 14 na pelikula ang mapapanood sa YouTube Super Stream.

 

Nariyan ang mg pelikulang ipinalabas sa Cinemalaya, ang Ligo Na U, Lapit Na Me na mapapanood hanggang hatinggabi ng Setyembre 28 (Lunes). Bale istorya ito ng makabagong pag-ibig at relasyon, na pumasok sa isang casual sexual relationship ang mga college student na sina Intoy (Edgar Allan Guzman) at Jenny (Mercedes Cabral).

 

Kasama ring mapapanood ang Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na na tungkol naman sa apat na magkakakabit na istorya noong dekada ’70 sa panahon ng batas militar.

 

Mula Setyembre 23 hanggang 28, puwede ring panoorin ang Cinema One Originals documentary film na Forbidden Memory na ang istorya ay tungkol sa mga nakaligtas sa 1974 Malisbong massacre.

 

May mga pelikula rin tampok ang mga istorya ng mga karakter na LGBTQ na showing hanggang sa Setyembre 30 (Miyerkoles).  Ito ay ang mga Baka Bukas at Mamu; and a Mother Too, gayundin ang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, na umani ng maraming pagkilala.

 

Nariyan din ang pelikulang pupukaw sa damdamin at magbibigay-inspirasyon hanggang Setyembre 30 (Miyerkoles), ang Happyland, na kuwento ng mga kapuspalad na batang Tondo na nakahanap ng pag-asa sa paglalaro ng football, ang 2018 Cinema One Originals Best Film na  Paglisan, na nagtatampok kina Eula Valdez at Ian Veneracion at ukol sa mag-asawang pinipilit isalba ang relasyon, at ang Tisay, na ukol sa isang magandang bookie (Nathalie Hart) na ni-recruit ang baguhang manlalaro (JC De Vera) sa magulong mundo ng game-fixing sa semi-pro basketball.

 

Ipalalabas din hanggang Setyembre 26 ang barkada movie na Jologs nina Diether Ocampo, John Prats, Vhong Navarro, at Jodi Sta. Maria, at ang Agawan Base ni Jolina Magdangal bilang isang direktor na magbabago ang buhay nang makilala ang isang batang maka-Diyos.

 

Magpapakilig din ang Once A Princess nina Erich Gonzales at Enchong Dee bilang high school sweethearts na magtatagpong muli ang landas, at Bromance: My Brother’s Romance na magpapanggap si Zanjoe Marudo bilang baklang kapatid niya para maisalba ang negosyo.

 

Mapapanood din ang horror movie na Amorosa: The Revenge ni Angel Aquino at Padre de Pamilya ni Ariel Rivera.

 

Panoorin ang mga pelikulang ito sa YouTube Channels ng Cinema One at Star Cinema.

About Hataw Showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top