Thursday , October 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Snookey at Dina, balik-taping na sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday
Snookey at Dina, balik-taping na sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday

Snookey at Dina, balik-taping na sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday

BALIK-TAPING na rin ang veteran actresses na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie para sa primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

Sa isang Instagram video, ipinasilip ni Snooky ang ilang behind-the-scenes sa set. Makikitang kasama niya ang co-stars na sina Barbie Forteza at Jay Manalo, at ang direktor nilang si Mark Dela Cruz.

 

Kapansin-pansin sa video na lahat ng artista at staff ay nakasuot ng face mask at face shield, alinsunod sa mahigpit na safety protocols.

 

Samantala, ipinost naman ng manager ni Dina na si Leo Dominguez ang ilang photos ng aktres na kuha rin mula sa taping.

 

Bago nahinto ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, nabuking ni Caitlyn (Kate Valdez) na ang sishie niyang si Ginalyn (Barbie) pala ang bagong nagpapatibok sa puso ni Cocoy (Migo Adecer), kaya idineklara niyang friendship over na sila.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top