Saturday , April 27 2024

Sharea app, makatutulong sa public service

SA patuloy na pagharap ng mga Filipino sa pandemya, kailangan nila ng impormasyon para makapagdesisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw.

 

Makatutulong nila rito ang bagong public service app na Sharea, na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.

 

Mula sa pinagsamang salitang share at area ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsiyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad lalo sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.

 

Ibig sabihin, ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod. Malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine para manatiling updated sa ganap ng komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.

 

“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea na makatutulong ang bawat Filipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya. Rito makikita ang mga impormasyon na mahalaga sa bawat pamayanan na maaaring hindi na umabot sa balita tulad ng mga raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, listahan ng clinics na nagbibigay ng bakuna, at marami pang iba sa mismong mga barangay o lungsod.

 

Para makatulong palakasin at paglapitin ang mga komunidad sa bansa, mayroong tatlong pangunahing feature ang Sharea. Sa Bulletin Board makikita ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan, mga ganap, at iba pa. Pero hindi lamang makatatanggap ang gumagamit ng app ng impormasyon. Maaari rin siyang magbahagi ng kanyang sariling nalalaman tulad ng mga magandang bilihan, nakitang aksidente, o anumang payo na makatutulong sa kanyang kapwa sa Community Wall. Pwede rin gamitin ang app para makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa. Makasisiguro rin na totoo at lehitimo ang mga impormasyon dito dahil sinisigurado na mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng mga post kundi galing mismo sa mga opisyal na source para maiwasan ang pagkalat ng pekeng balita at impormasyon.

 

Sa ngayon, karamihan sa mga impormasyon sa Bulletin Board ng Sharea ay para sa Marikina, Quezon City, at iba pang lungsod sa Metro Manila, ngunit nagsimula na ring bumuo ng komunidad ang maraming user sa kani-kanilang lugar. Sa pagrami ng mga gumagamit nito, umaasa ang Sharea na patatagin pa ang kultura ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga Filipino sa buong bansa.

 

Libre at pwedeng i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.abscbn.kapp. Para sa ibang detalye, i-follow at i-like ang Sharea sa Facebook (fb.com/Sharea.ph).

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *