Saturday , October 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal
Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal

Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal

HIWALAY man sa mga naging mister nila ang mga establisado nang aktres na sina Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at Sunshine Cruz, na pawang malalaki na rin ang mga anak, nakatutuwang hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila kung interesadong makapag-asawa muli, lalo na’t pare-pareho naman silang annulled na ang mga kasal.

Umamin sina Janice at Ruffa sa magkahiwalay na interbyu na matagal na silang ‘di interesado ni magka-boyfriend, samantalang si Sunshine naman, kahit ilang taon na ring may boyfriend (si Macky Mathay) ay halakhak at “next question, please” ang sagot nang tanungin siya sa hiwalay ding interbyu kung kailan nila balak na magpakasal.

Twelve years na palang single si Janice, at katwiran niya ngayon kung bakit ‘di na siya interesadong magka-boyfriend pa: “Marami akong kaibigan na laging may problema, laging may problema sa boyfriend. Parang hindi ko na yata kaya ng ganyan. Kasi for most of my life, I always had a boyfriend. I have always been selfless or I thought I was selfless.”

Ipinaliwanag n’ya na tuwing may boyfriend siya, umiinog halos ang buong buhay n’ya sa boyfriend n’ya. ‘Yon ay dahil sa lagi niyang ikinukonsidera ang damdamin nito.

Pagtatapat n’ya: “Kasi ang feeling ko, lahat ng mga desisyon ko ay may kinalaman sa kung ikalulungkot nila, ikaseselos nila, or parang kailangan laging… parang hindi ko ma-enjoy ang travelling before, because I always wanted to be with my boyfriend.”

Tapos na nga siya sa ganoong kalakaran ng buhay n’ya. “For me, okay naman ako mag-isa. Kaya ko naman mabuhay with my kids, with my dogs and my career. Buo ako sa sarili ko,” pahayag n’ya kay Toni Gonzaga sa Sunday show ng Kapamilya Channel na I Feel U kamakailan.

Paninindigang naman ni Ruffa: she does not need a man to complete her.

Lahad n’ya sa isang Facebook Liveinterview with the famous photographer Raymund Isaac“Ayaw ko nga magpakasal ulit, eh kasi ‘di ba, you have to go through an annulment again. Tapos marami akong nakikitang marriages na parang they are just with their partners because for the kids, just to make it work.

“I am [now] very different when it comes to my perception of love. A lot of my Bible study-mates are saying, ‘Ruffa, you have to get married again. We really pray for you na you’ll have a family again.’ Guys, I’m okay. You don’t need to pray for me. I’m not lonely. I’m fine the way I am.”

Kongklusyon n’ya: “I need a man that will grow with me. I need a man that will make me feel happy. And if he doesn’t fulfill that need anymore, okay bye.”

Si Sunshine naman ay sa isang interbyu with broadsheet entertainment editor Ricky Lo ginawa ang paghalakhak at pagsagot na, “Next question, please,” nang tanungin siya kung may balak na silang pakasal?

At sa mga kaedad at kaestado na ni Sunshine, parang hindi na talaga kailangang maging kasal sila ng karelasyon n’ya. Napalaki na n’ya mag-isa ang mga anak nila ng dating mister n’yang si Cesar Montano. Kamakailan na lang umano hinayaan ng aktres na ma-involve sa mga anak nila si Cesar at kung mag-usap man sila ay tungkol lang sa mga anak nilang teenagers na at pawang mga babae.

Kamakailan ay nagpahayag si Sunshine na pati ang mga babae na nagkaroon ng relasyon kay Cesar noong panahong kasal pa sila ay napatawad na n’ya. Kung makakasalamuha n’ya ang sino man sa kanila, handa siyang batiin sila at yapusin.

Happily, wala kanino man kina Janice, Ruffa, at Sunshine na nagkikimkim pa ng mga pait at sama ng loob sa mga nakarelasyon nila, lalo na ‘yung mga naging ama ng mga anak nila. Mas magaang, malusog, at mapayapang buhay ang nakakamit ng mga tao na nagpapatawad.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top