Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lance Raymundo, game magpa-sexy sa pelikula
Lance Raymundo, game magpa-sexy sa pelikula

Lance Raymundo, game magpa-sexy sa pelikula

NAPANSIN namin na may ilang topless photo si Lance Raymundo sa kanyang social media account, kaya inusisa namin siya hinggil dito.

 

Nang nakahuntahan namin ang actor/singer/songwriter, nalaman namin na ito ay part ng campaign ng Scenezone Magazine at dahil siya’y endorser ng ISkin Aesthetic Lifestyle at isa sa main services na ine-endorse ni Lance ay ang Ultrashaper Treatment (Instant slimming and muscle toning). Kaya raw sa ads nila ay ipinapakita kung gaano siya ka-fit talaga.

 

“I’m also representing Golds Gym Philippines. So, lahat ng endorsements ko are geared towards fitness,” sambit ni Lance.

 

Pero ayon sa kanya, pagdating daw sa pagpapa-sexy sa pelikula ay hindi pa niya ito napag-iisipan talaga nang husto.

 

Paano kung may offer na pelikula na magpapa-sexy siya, tatanggihan ba niya ito kahit maganda ang role at ang project?

 

“Well, I guess puwede naman, huwag lang ‘yung mag-faint ‘yung family members ko,” nakatawang bulalas ni Lance.

 

Nabanggit niyang nakagawa na rin naman siya ng love scenes noon, kaya kahit daw underwear lang ang suot niya ay game siya.

 

“I’ve done love scenes in the past, so no problem naman… Actually kahit briefs lang ang suot ko, okay lang, probably not nude tho… out of my forty plus films… I think tatlo roon, may major love scenes.”

 

Sinabi ni Lance kung saang movies ito. “Sa Detektib with Angeli Bayani, Babang Luksa with Althea Vega and Aninag with KC Miller.”

 

Intimate at sexy scenes ba talaga ito? “Yes, very intimate ito, but it’s just part of the job and I’m lucky to always be around very professional people.

 

“Iyong Babang Luksa is actually very 50 Shades of Grey, at nauna pa kami, we shot Babang Luksa even before the time of 50 Shades… Pero, na-shelve ‘yung project. Pero bago ma-shelve ay na-shoot na lahat ng love scenes.”

 

Nakatawang pahabol pa ni Lance, “Pero since hindi naman lumabas ‘yun, e ‘di wholesome pa rin ang track record ko sa movies ko, until today.

 

“And I remember shoulder length hair pa ako noon, nagpagupit ako 2014 pa… Oh and 2014 I had an accident… So one year ako nag-break from acting and those three daring films were all shot before 2014.”

 

Samantala, nalaman din namin kay Lance na ang gagawin nilang music video ni Kara Madrid para sa single ni Lance na Sana, na siya rin ang composer, ay hindi na matutuloy.

 

Nanghihinayang man siya, mas mahalaga raw ngayon ang safety ng bawat isa. Although ipinahayag ni Lance na ibang song na lang ang gagawin nila ni Kara at siya pa rin ang magiging leading lady niya sa music video.

 

Esplika ni Lance, “We postponed muna iyong production ng video dahil sa CoVid-19 and by the time na maluwag na ulit ‘yung guidelines, baka may new song na ako. Kasi, since love song ‘yun, mahirap i-justify sa video kung may social distancing.

 

“Of course we are a bit disappointed na hindi namin nagawa ‘yung Sana video ‘coz we were all very excited about it. But of course, health and safety for everyone comes first and it’s part of our responsibility to follow quarantine guidelines.

 

“But we still want Kara as my leading lady.”

 

Ang movie ni Lance na Penduko na tatampukan ni Matteo Guidicelli at pamamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana ay naghihintay din kung kailan magiging safe para makapag-shooting na.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top