Thursday , September 18 2025

CSC sinisi sa paglobo ng ‘endo’

SINISI ni Senador Imee Marcos ang Civil Service Commission (CSC) sa kawalan ng trabaho sa gitna ng pandemyang CoVid-19 dahil bigong sertipikahan ang mga aplikanteng kalipikado o eligible sa libo-libong trabaho sa gobyerno na hinayaang bakante sa loob ng maraming taon.

Sinabi ni Marcos, bilang taga-depensa sa 2021 budget ng CSC, mahigit 269,000 ang permanenteng posisyon sa gobyerno ang bakante hanggang 2019 at halos may 178,000 pang bakante hanggang nitong nagdaang Agosto.

“Kung ang puwesto sa gobyerno ay napabayaang bakante, ang hindi nagamit na badyet sa pagkuha o pagha-hire para sa nasabing mga posisyon ay idinedeklarang taunang ipon o yearend savings. Ang nasabing mga savings ang ginagamit na pang-bonus na pinaghahati-hatian ng mga opisyal ng ahensiya,” diin ni Marcos.

Binanggit ni Marcos na kabilang dito ang P7.6 bilyon mula sa miscellaneous personal benefits fund (MPBF) sa 2020 budget na nananatiling hindi pa rin nagagamit para kumuha ng bagong tauhan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ang away sa loob ng mga taga-gobyerno at kawalang aksiyon ng CSC ang lalo pang nagpapalala at nag-aantala sa pagkuha ng mga tao para sa mga bakanteng puwesto sa gobyerno, dagdag ni Marcos.

“Mahihirapan ang CSC na idepensa ang panukalang badyet para sa susunod na taon kung walang inisyatiba para magkaroon ng maayos na takbo sa tanggapan,” babala ni Marcos.

Inirekomenda ni Marcos na pabilisin ng CSC ang pagpapatupad ng patakaran para maging eligible sa madaling panahon ang mga contractual employees na matagal na sa kanilang trabaho sa gobyerno pero nanatiling iregular na kawani sa loob ng maraming taon, dahil hindi sila nakatatanggap ng commission-certified salaries at iba pang mga benepisyo.

“Dapat nang tumigil ang gobyerno sa pagiging pinakamalaking tagapagtaguyod ng endo o end-of-contracct employment. Itigil na na natin ang pang-aabuso at maling pagtrato sa mga contractual employees ng gobyerno na kinukuha lang ang suweldo sa mga miscellaneous at iba pang operating expenses,” mariing pahayag ni Marcos.

Dagdag ng senadora, ang mga hindi nagagalaw na pondo para sa mga puwesto sa gobyerno na patuloy na bakante ay dapat nang tanggalin sa panukalang badyet sa mga ahensiya ng pamahalaan at sa halip gamitin ito para sa pondo ng gobyerno sa mga pandemic response measures.  (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *