Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Phoebe Walker, gustong sumalang sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga!
Phoebe Walker, gustong sumalang sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga!

Phoebe Walker, gustong sumalang sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga!

ALIW na aliw si Phoebe Walker sa panonood ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga kaya naman inaabangan niya ang segment na ito araw-araw.

Tsika ni Phoebe, “Kapag nanonood ka ng Bawal Judgmental ng ‘Eat Bulaga’ para kang nakasakay sa isang roller coaster, kasi iba’t ibang emotions ang mararamdaman mo habang tumatagal ‘yung segment nila.

“ Sa umpisa matatawa ka, then later on masa-sad ka to the point na maluluha kasi dahil na rin sa kuwento ng taong kasama sa Bawal Judgmental.

“Bukod sa marami kang matututuhan sa buhay lesson sa bawat kuwento ng bawat taong kasama, very inspiring ang kanilang kuwento.”

Isa nga sa dream ni Phoebe ang makapag-guest sa Bawal Judgmental at ma-experience ang pakiramdam na nakasalang ng live at hindi basta-basta audience lang na nanonood sa TV.

Saludo rin si Phoebe sa nakaisip ng segement na iyon sa Eat Bulaga dahil bukod sa sayang hatid nito, maraming matututuhan sa bawat kuwento ng buhay ng mga taong nakakasama roon.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top