Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast, nag-virtual script reading na
Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast, nag-virtual script reading na

Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast, nag-virtual script reading na

PUSPUSAN na ang paghahanda ng cast at production team ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa pagbabalik-taping ng kanilang serye sa ilalim ng new normal.

 

Last week ay sumabak na sa virtual script reading ang cast ng serye na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Barbie Forteza, Kate Valdez, Jay Manalo, Migo Adecer, at Karenina Haniel kasama ang kanilang creative team. Ang naganap na script reading ay parte ng paghahanda ng cast sa pagpapatuloy ng kuwento ng serye na matatandaang nagtapos sa hindi pagkakaunawaan ng magkaibigang sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo).

 

Bukod sa excitement ng cast, hindi na rin magkamayaw ang kanilang fans na muling mapanood ang kanilang mga iniidolo sa telebisyon. Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Network.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top