Friday , September 19 2025

Mega web of corruption: P3,000 wage hike sa IBC-13 rank and file employees

ni Rose Novenario

MAKATATANGGAP ng dagdag na P3,000 kada buwan sa kanilang sahod ang lahat ng rank and file employees ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

Napagkasunduan ito sa ginanap na pulong ng mga opisyal ng IBC Employees Union (IBCEU) at ni Corazon Reboroso, Human Resource manager ng IBC-13 noong Biyernes.

Ang meeting ay naganap kasunod ng panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go sa management ng IBC-13 at Presidential Communications Operations Office (PCOO) na aksiyonan ang hinaing ng mga obrero ng IBC-13 partikular sa aspektong pinansyal.

“Aksiyonan na po dapat ito sa lalong madaling panahon. Unahin natin ang interes at kapakanan ng ordinaryong mamamayan, lalo ang mga apektadong manggagawa na nangangailangan ng agarang tulong ngayon. Gawin na ang dapat gawin, ibigay ang dapat ibigay, at mapanagot ang dapat managot,” sabi ni Go.

Nakatakdang sumulat ang IBCEU sa Board of Directors ng IBC-13 na aprobahan ang P3,000 wage hike ng rank and file employees simula sa Setyembre 2020.

Ayon kay IBCEU president Alberto Liboon, ang kasunduan nila ng management na wage hike ay habang may inisyal na pag-uusap upang amyendahan, -i-renegotiate at aprobahan ang bagong collective bargaining agreement (CBA).

Mula pa noong 2008 ay ipinatutupad ang moratorium sa monetary provision ng umiiral na CBA.

“With this, we ask the members of the board to consider the approval of the same. This is in consonance with the statement released by Senator Bong Go that the concerns of the workers’ union must be given preference and approval and must be addressed the soonest time,” sabi ni Liboon sa liham.

Tiniyak ni Go noong Miyerkoles na mananagot ang mga opisyal ng IBC-13 na naglagay sa naghihingalong kalagayang pinansiyal sa state-run network.

Inihayag ito ni Go bilang reaksiyon sa mga naisiwalat ng HATAW na katiwalian sa IBC -13 at ang pagdurusa ng mga manggagawa nito.

Tiniyak ni Go, maaaksiyonan ang mga hinaing ng mga obrero kaya’t ipinarating niya sa Office of the President (OP) at Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang kagyat na maimbestigahan ang mga responsableng opisyal.

Lahat aniya ng mga benepisyong para sa mga obrero alinsunod sa batas ay ibigay sa kanila sa lalong madaling panahon lalo na’t may nararanasang krisis sa bansa.

Iginiit ni Go, kailangan din tiyakin na hindi malulugi ang gobyerno sa proseso ng pagsasapribado sa IBC-13 kaya’t dapat pag-aralang mabuti at ikonsidera ang kasalukuyang kalagayang pinansiyal ng state-run network gayondin ang sitwasyon ng ekonomiya.

Matatandaan na dalawang beses nagpadala ng liham kay Go ang IBCEU, una noong 6 Marso 2018 at ikalawa ay noong 19 Abril 2020, hiningi ang tulong ng senador para maisakatuparan ang matagal nang balak na pagsasapribado o privatization ng IBC-13 upang maisalba ang naghihingalong estado ng state-run network. (MAY KASUNOD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *