Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapuso Network, top news source hanggang sa online
Kapuso Network, top news source hanggang sa online

Kapuso Network, top news source hanggang sa online

CONSISTENT ang GMA Network sa pagiging top online news source sa bansa.

Ngayon na kung kailan karamihan sa mga Pinoy ay naka-quarantine sa bahay at mas maraming oras mag-internet, lalo pang dumami ang nanonood ng video content ng GMA News sa Facebook at YouTube pages nito.

Ayon ito sa measurement ng Tubular Labs na naging top online news video publisher ang GMA News sa Pilipinas at pasok din sa global ranking.

Noong Mayo, umabot pa sa nakakabilib na top 3 ang GMA News sa global ranking at kinabog nito ang ibang malalaking outlets sa Amerika!

At noong Hunyo naman, pareho nang naging top news source sa ‘Pinas ang GMA News at GMA Public Affairs dahil sa iba’t ibang klase ng videos na bukod sa naghahatid ng balita at impormasyon ay nagdadala rin ng saya at inspirasyon lalo na ngayong may pinagdaraanang krisis ang mundo.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top