Thursday , May 2 2024

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction permit applications ng telecom companies para sa pagpapatayo ng cellular towers sa buong bansa.

Nagbanta ang Pangulo na sinomang hindi makasunod sa ‘3-day ultimatum’ ay kanyang pakakasuhan at posibleng masuspinde o masibak.

Kasamang binalaan ni Duterte ang mga punong barangay na tumigil sila sa pag-aastang parang panginoon sa kani-kanilang lugar, na ang mga tiwali sa kanilang hanay ay kanya rin pakakasuhan.

“The clock is ticking except on the days that we do not hold office. I will count 72 hours during weekdays. For example if the application has been there on Monday, then two to three days should be Thursday,” paliwanag ni Duterte.

Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng local councils sa bansa na ipaalam nila sa DILG ang kanilang compliance sa ‘3-day ultimatum’ matapos maipabatid sa kanila ang nasabing  palugit.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ‘3-day ultimatum’ ng Pangulo ay pakiusap lamang, partikular sa miyembro ng mga lokal na konsehong hindi saklaw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na madaliin ang aksiyon sa work permits and licenses applications ng lahat na digital infrastructure projects, lalo ang cell sites sa mga kanayunan.

Sinabi ni Roque, kaugnay ang pakiusap ng Pangulo sa lumutang na problema sa internet connectivity ngayong nahaharap ang sistema ng ating edukasyon sa tinawag na flexible learning, kasama ang online classes.

Ang kakulangan ng cellular towers, lalo sa malalayong probinsiya, ay tinukoy ng mga mag-aaral, magulang at maging ng mga guro na pangunahing balakid sa epektibong pagpapatupad sa tinawag na distance learning.

Nauna nang naipabatid sa Pangulo ng isang telecom company executive na inaabot umano ng hanggang walong buwan bago aksiyonan ng ilang LGUs ang lahat ng permitting requirements dahil halos 25-29 permiso ang kakailanganin para maipatayo ang isang cellular tower.

Sa panig ni DILG Secretary Eduardo Año, inabisohan niya ang lahat ng LGUs na may mga nakabinbing  applications para sa work permits ng cell site construction na agad nilang aksiyonan.

“As the President has ordered those LGUs with pending applications from telcos should be released (approval or rejection) in three days. If their requirements are lacking, you have the reason to disapprove. You do not withhold  and delay,” paliwanag ni Año.

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *