Saturday , April 27 2024

New Normal: The Survival Guide ng GMA News TV, malaking tulong sa netizens

KAHIT kami ay nakare-relate sa bagong show ng GMA News TV na bumubuo sa New Normal: The Survival Guide na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. Talaga kasing informative ang show na iba-iba ang tinatalakay na topic ngayong tayo nga ay masasabing nangangapa pa rin sa ‘new normal.’

 

Seryoso man ang topic ni Mareng Winnie sa Newsmakers ‘pag Lunes, bunabawi naman siya sa aliw segment niyang Tita Winnie Tries. ‘Pag Tuesday, light pero minsa’y may kurot sa puso ang hatid ni Kara David sa Bright Side. At kahit kuwela ang atake ni Susan Enriquez sa Pera Paraan, seryosong usapan din ang paghawak ng pera lalo na these days.

 

Relate rin, malamang, kina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez, ang viewers na trying to run the household on their own tuwing Thursday in Home Work. At may katuwang na ang parents sa ‘new normal’ dahil sa Family Time ni Drew Arellano every Friday.

 

Sa mga nababasa namin online, positive ang feedback ng netizens sa programming na ito ng Kapuso Network. Talaga kasing pasok sa banga ngayong lahat tayo ay nag-iba ang pamumuhay dahil sa pandemya. Looking forward kami sa mga susunod pang episode ng bawat show.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *