Friday , April 26 2024

Congw. Vilma, mas una ang pagtulong

“KAGAYA rin sa kongreso, na may mga batas na hindi namin inaayunan. May mga aksiyong aming tinututulan. Pero sa isang demokrasya kasi, kung ano ang gusto ng majority iyon ang nasusunod eh. Bilang isang mambabatas, hindi man tayo minsan ayon sa batas, pero dahil batas iyan wala tayong choice kung hindi sumunod. Kaya iyon naman ang sinasabi namin, puwedeng may mga bagay na hindi natin gusto, pero dahil iyon ang umiiral na batas, susundin natin,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos.

Natanong kasi siya sa mga bagay na iyan dahil maraming mga measure ang administrasyon na hindi siya umayon, kahit na siya ay sinasabing kasama sa majority party at deputy speaker pa nga ng house. Isa na riyan ay ang pagkakait ng franchise sa ABS-CBN, at alam naman natin bumoto siya nang pabor sa network.

Ngayon, doon sa isinusulong na death penalty, alam din naman ng lahat nga hindi siya sumuporta sa bill na iyan kaya siya tinanggalan ng committee noong araw pa.

“Pero iyon nga eh, kung ano ang desisyon ng majority, wala tayong magagawa kundi sumunod,” sabi pa ni Ate Vi.

Ngayon, sinasabi nga niya na nakakausap niya mismo ang mga frontliner, at marami ang sinasabi ng mga iyon na mga regulasyong mas maganda kung siyang maipatutupad kaysa umiiral na regulasyon. “Pero kasi hindi naman tayo ang nakatataas eh, kaya sumusunod lang tayo,” sabi niya.

“Basta ang ginagawa natin, tumutulong tayo kung ano man ang magagawa natin para mas mapagaan ang trabaho at dalhin naman ng mga mamamayan natin. Kung paano tayo makatutulong iyon ang mas una nating dapat isipin,” sabi pa ni Ate Vi.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *