Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tisoy at Elize, nagbabalik sa Afternoon Primetime
Tisoy at Elize, nagbabalik sa Afternoon Primetime

Tisoy at Elize, nagbabalik sa Afternoon Primetime

MULING balikan ang walang hanggang pagmamahalan ng mga karakter nina Tisoy at Elize sa rerun ng 2012 GMA drama series na One True Love ngayong Agosto.

 

Ang serye ay pinagbidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

 

Tumatak at napamahal nang husto sa puso ng mga manonood ang kuwento ng buhay ni Tisoy at ang matapang niyang pagharap sa mga pagsubok para ipaglaban ang pag-ibig niya kay Elize.

 

Bukod kind Alden at Louise, tampok din sa serye sina Jean Garcia, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Carlene Aguilar, Bembol Roco, Winwyn Marquez, at Benjie Paras.

 

Abangan ang pagbabalik ng One True Love simula Agosto 10 sa GMA Afternoon Prime.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top