Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Show ni Kris sa TV5, ‘di ‘mema’ lang
Show ni Kris sa TV5, ‘di ‘mema’ lang

Show ni Kris sa TV5, ‘di ‘mema’ lang

BAGO pa man makompirma ang pagbabalik-TV ni Kris Aquino, marami na ang na-excite, lalo na iyong talagang naghihintay sa pagbabalik-telebisyon ng Queen of All Media.

At sa Agosto 15, Sabado, muling masisilayan si Kris, via Love Life with Kris sa TV5, 5:00-6:00 p.m.. Ito’y prodyus ng Positive Exposure Productions, isang block-timer production company at ididirehe ni Gab Valenciano.

Bukod sa pinakahihintay na pagbabalik sa Talk Show world, layunin ng show na makapagbigay pag-asa sa pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino. Kaya naman may tatlo itong segment—una ay ang home na  dedicated sa mga kababaihan at sa mga inang tulad ni Kris; ang sumunod naman ay ang segment dedicated sa one-on-one interviews ni Kris; at ang panghuli ay dedicated to inspire the Filipinos.

Sa kabilang banda, sa tagal ng hindi paglabas sa TV ni Kris, natanong siya kung ano ang nakakumbinse sa kanya para magbalik-TV.

Aniya, “Marami tayong dinadaanan bilang bansa. Ayokong dumagdag sa problema ninyo. Gusto ko kayong bigyan ng pag-asa. Siguro, ako ‘yung living proof of that. Hindi ako sumuko. At ito na ‘yun.

“So, kahit paano, kahit na kaunti man lang sana, ‘pag napapanood n’yo ko, maiisip ninyo, na dapat, hindi rin kayo sumuko.”

Ani Kris, nagbigay siya ng input sa tatakbuhin ng kanyang show. “Kung ano ang mangyayari sa ‘Love Life With Kris’. So, i-double meaning n’yo na ‘yung ‘love life’.”

At sa show, asahan na ang,“Fun. I want you to have fun, and I want you to have that moment na lahat ng mga nagbe-burden sa inyo, if atleast, only for that moment, while you’re watching me, you’ll feel you have a friend.”

Natatawa namang inamin ni Kris na hindi na niya kinailangang mag-adjust sa muling pagkakaroon ng talkshow dahil, “Sa bahay kasi namin, parang everyday, nagto-talk show kami ni Bim (Bimby). So, there’s no adjustment at all. 

“And doon na lang sa… mayroon kasi kaming thread ng mga kapatid ko… Sinabi nila na why is it not possible for me to just answer with a yes or no? Bakit parating ang haba ng opinyon ko? So, there’s no adjustment.”

At sa pagbabalik-TV ng aktres/tv host, may paalala ang kanyang bunsong si Bim“At pinaalala ni Bim ‘yung mga binilin ng doktor. Na for every ‘X’ amount of days na nagtatrabaho (ako), may ‘X’ amount of days na kailangang magpahinga ang mama niya.

“So, everything was taken into consideration. But Bim also said that he knows that this will what make me happy. And this is what… He said, I was born for this! And so, he wants me to also be inspired to be at my healthiest.

“And of course, sinabi niya na, he’s excited for the income! Hahaha!

“Actually kasi, as we speak now, mga tatlong linggo na lang… So, what I’ve been doing really was trying my best to not be a copycat of what is working in the States.

“So, I’ve been watching a lot of ‘Ellen’… I’ve been watching a lot of Kelly Clarkson, I’ve been watching a lot of Kelly and Ryan…  Parang, I don’t want people to see na, ‘Nanood lang ‘yan ng YouTube, at ito na ang ginawa.’

“So, para rin hindi ako masyadong kabahan, wala akong ginawa kundi manood ng mga K-Drama! And ayoko rin namang ma-feel nilang, ‘Ano bang mga pinag-uusapan ng babaeng ito?’ Hahaha!

“Kasi, for the longest time, ang mga ano ko talaga is… I’ve been so into the world of finance and world politics. So, sinabi ko, ‘O, stop ka muna riyan!’ Kailangan, ready ako to discuss. So, ‘yun.  Normally, in 2 to 3 days, natatapos ko… Kakatapos ko nga lang ng ‘Money Flower’. May bago na akong crush!”

At sa mga nang-iintriga pa rin kay Kris kung hawak pa rin ba niya ang titulong Queen of All Media, isa lang ang sagot niya, “I don’t need the title ’coz I already know who I am. But ang kaya kong ibigay sa kanila, I think… I’ve grown a lot wiser. I know na…

“Nakita ko kasi, eh. In the 2 and a half months  na kami lang ang nasa Puerto Galera, nakita ko kung… with my own eyes, and with our own experience – How important it is na every family is assured na hindi sila mauubusan ng pagkakakitaan, ng pag-asa, ng the very basics of life.

“So, there’s a part of me na ayoko ‘tong ma-feel ng mga tao na nanonood sila ng Sunday Mass or Sunday Worship, because your relationship with your God, I’m not going to force mine with you, but I’m going to show you, na kaya siguro nabibiyayaan ako, dahil kailangang maibahagi ko ‘yung mga blessing na ‘yun with all of you.

“So, this time around, the tiding that I will do will be done through the show. But I also want you to hear opinions, not just coming from me. Kasi, minsan, nagsasawa na rin ako sa boses ko.

“So, gusto ko na mayroong mga matapang na makakatapat ako na kaya rin akong barahin!  Kasi, that’s the whole essence of what nation-building is all about.

“Para tayo magkaroon ng informed opinions… in other words, ‘yung para ‘mema’ o ‘me masabi lang’… Kailangan, pakinggan natin all sides. So, ‘yun ang gusto kong mangyari.

“Pero gusto ko rin talagang… Na-miss ko na eh…. I love music!  And I want you to share with me what are your favorite songs are, and I want you to hear those songs, parang ‘Unplugged’, ‘yung mga nangyayari rati.

“Ang bata kasi ng Pilipinas, I’m sure hindi na ninyo naaalala ‘yung MTV na ‘Unplugged’ but I want that segment, and I want to hear… Kasi, mayroong popular na ang pinag-uusapan, ‘yung problema ng mga may asawa, mga awayan nila, ‘yung mga nangaliwa…

“Bigyan niyo naman ako ng pag-asa. Gusto kong mag-feature ng mga ‘Love against all odds’… ‘Yung mga nagkabalikan, ‘yung mga hanggang ngayon ay nagmamahalan,” paliwanag pa ni Kris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top