Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bidaman Wize Estabillo, sobrang naapektuhan sa pagkawala ng It’s Showtime
Bidaman Wize Estabillo, sobrang naapektuhan sa pagkawala ng It’s Showtime

Bidaman Wize Estabillo, sobrang naapektuhan sa pagkawala ng It’s Showtime

SOBRANG nalungkot si Bidaman Wize Estabillo nang ‘di naaprubahan ang franchise ng ABS-CBN dahil mawawalan na rin sila ng trabaho ng kanyang mga kasamahan.

Regular na napapanood ang Bidaman sa It’s Showtime kaya naman isa ang grupo nila sa sobra- sobrang naapektuhan.

Sa ngayon ay ang pag-Bigo Live ang pinagkakaabalahan ni Wize at mangilan-ngilang online raket. Isinasabay na rin niya ang pagwo-work out para mapanatiling maganda ang kanyang pangangatawan at para na rin sa kanyang health.

Kuwento nga nito nang makausap naming, “Eto po bigo live lang and workout para ‘di tumaba at para na rin sa health ko.

 

“Then waiting sa mga  online raket na dumarating. Mga kasama ko sa Bidaman na dalawa may BL series. Kami naman ni Johannes busy sa pag-BIGO. Hopefully maging okey na ang lahat para maging normal na ulit ang takbo ng showbiz at mas dumami na ang projects na dumating sa akin at sa mga kasamahan kong Bidaman at sa ibang mga taga- showbiz na nawalan ng raket dahil sa Covid-19 .”

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top