Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga pelikula ni Paolo, nasa Netflix na
Mga pelikula ni Paolo, nasa Netflix na

Mga pelikula ni Paolo, nasa Netflix na

SIGURADONG maaaliw na naman ang netizens sa latest vlog ni Paolo Contis sa kanyang YouTube channel na ipinakita niya ang isang karaniwang araw sa buhay nila ni LJ Reyes at ng kanilang pamilya. Siyempre, may kakaibang twist na naman ang vlog dahil gusto ni LJ na magpalit sila ng mga gawaing bahay.

 

Bukod dito, inanunsiyo rin ng aktor sa kanyang Instagram account na available na sa video streaming platform na Netflix ang kanyang mga pelikulang Through Night And Day at Ang Pangarap Kong Holdap.

 

Dapat ding abangan si Paolo sa pagbabalik-telebisyon ng All-Out Sundays: Stay Home Party sa GMA tuwing Linggo sa bago nitong timeslot, 12:45 ng tanghali, kasabay ng livestream nito sa official GMA Network social media accounts.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top