Saturday , April 27 2024

Aljur, walang pakialam sa ABS-CBN; Vin, buo ang suporta

HINDI na ang ABS-CBN Star Magic ang namamahala ng karera ni Vin Abrenica kundi si Arnold L. Vegafria dahil hindi na siya nag-renew o ini-renew ng talent management.

 

But still, nananatiling Kapamilya pa rin si Vin dahil mahal niya ang ABS-CBN bukod pa sa may teleserye siyang A Soldier’s Heart kasama sina Gerald Anderson, Nash Aguas, Yves Flores, Jerome Ponce, Elmo Magalona, Carlo Aquino, at Sue Ramirez.

 

Kaya naman abot-abot ang pagsuporta ni Vin simula sa franchise hearing ng Kapamilya Network na kahit gusto niyang makiisa sa rally ng kapwa niya artista kasama ang mga empleado ay hindi niya magawa dahil naka-lockdown sila sa taping ng Soldier’s Heart sa Tanay, Rizal.

 

Nagtataka lang kami kung bakit walang pakialam ang kuya nitong si Aljur sa nangyayari sa network gayung katatapos lang ng programa nilang Sandugo noong Marso 2020 bago mag-lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.

 

Bukod sa Sandugo, nagbida rin si Aljur sa Asintado kasama si Julia Montes, lumabas din siya sa Ipaglaban Mo, Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym, at iWant.

 

Technically ay three years palang ang aktor sa ABS-CBN pero hindi pa ba sapat iyon para ituring niyang Kapamilya star siya kaya hindi siya nagpakita ng suporta sa network na binigyan din siya ng trabaho sa loob ng tatlong taon?

 

Hindi naman sila nagkakalayo halos ng kapatid niyang si Vin na 2016 lumipat sa ABS-CBN mula TV5 pero ramdam mo ang suporta nito.

 

Anong nangyari kay Aljur? Sana lang kapag nakabalik na ang ABS-CBN ay alam na kung sino-sino ang mga artistang hindi sila iniwan.

 

Going back to Vin ay hindi problema sa kanya ang pag-eehersisyo kahit wala sa gym dahil ipinagbabawal pa, binubuhat-buhat niya ang limang galon na may lamang tubig, malaking timbang may tubig, at isang kabang bigas bukod pa sa pag-skipping rope kasama ang girlfriend na si Sophie Albert.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *