Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Water birth ni Max, tagumpay; Skye Anakin, malusog
Water birth ni Max, tagumpay; Skye Anakin, malusog

Water birth ni Max, tagumpay; Skye Anakin, malusog

SA wakas ay nasilayan na ng kanilang fans at followers ang baby boy ng Kapuso couple na sina Pancho Magno at Max Collins na si Skye Anakin.

 

Nanganak si Max noong Lunes (July 6) sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng proud dad ang one minute video na mapapanood si Max na karga ang kanilang baby boy matapos manganak.

 

Sinamahan pa niya ito ng sweet message. “To our Son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your bestfriend. To my amazing wife, you are also one of the reasons why I believe in God, you did everything with no medications and no tear. There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother.”

 

Pinasalamatan din ni Pancho ang kanilang doula at midwives na part ng delivery team ni Max na tiniyak ang kaligtasan niya at ng kanilang baby boy.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top