Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Pasay DRRMO handa sa pagpasok ng tag-ulan  
Pasay DRRMO handa sa pagpasok ng tag-ulan   

Pasay DRRMO handa sa pagpasok ng tag-ulan  

INIULAT ng DRRMO kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na wala nang alalahanin sa tag-ulan matapos ang isinagawang pre-disaster assessment at paghahanda.

 

Kabilang sa mga nakalatag na preparasyon ang 24/7 Standby Response Teams na may 2 shifts at Incident Command Post (ICP) sa Pasay Sports Complex.

 

Nakapag-inventory na rin ng lifevest, rope, ringbouy, fiber boats na pawang gamit sa pagresponde kung may pagbaha.

 

Naglagay rin ng rain gauge sa ICP at nagpakalat ng Flood Safety tips sa “Dapat Alam Natin.”

 

Tarpaulin sa weather classification, typhoon signals, thunderstorm advisory at flood monitoring.

 

Ininspeksiyon na rin ang Flood Evacuation Centers sa ilang bahaing lugar at patuloy sa monitoring ng Weather Forecast ng PAGASA. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top