Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enchong, magla-lie-low muna sa showbiz; Erich, mahilig kumain ng expired na pagkain
Enchong, magla-lie-low muna sa showbiz; Erich, mahilig kumain ng expired na pagkain

Enchong, magla-lie-low muna sa showbiz; Erich, mahilig kumain ng expired na pagkain

SA tuwing makikita namin noon sina Erich Gonzales at Enchong Dee ay tinutukso namin sila na bakit hindi na lang sila, tutal lagi naman silang nahihiwalay sa kanilang respective partners.

 

Pero sa kalaunan ay ‘taken’ na si Erich kaya siguro hindi nagpupursige si Enchong o baka kasi ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kahit na lagi silang lumalabas ng bansa na magkasama.

 

At sa pagkikita nila para sa ‘car raid’ ay inamin nilang sobrang na-miss nila ang isa’t isa.

 

Anyway, gustong-gusto ng netizens ang ‘car raid’ na ginawa ni Erich kay Enchong na mapapanood sa kanyang YouTube channel na may 1.01M subscribers at 508k views na in just two days.

 

Sa 16 minutes at 11 seconds ay maraming malalaman ang manonood tungkol kay Enchong.

 

Nagtsikahan muna ang dalawa at pinansin ng aktres ang mahabang buhok ng kaibigan, “ang haba ng hair mo, ang lakas maka-ermitanyo.”

 

“Dapat talaga magpapagupit na ako noong March pero nang nakita ako ng direktor para sa gagawin kong movie, nagustuhan niya ‘yung length ng buhok ko, tapos biglang nag-lockdown, wala na akong chance (magpagupit),” esplika ni Enchong.

 

At nagprisinta si Erich na siya na lang ang maggugupit ng buhok ni Enchong na pinayagan naman ng huli.

 

Nabuking ni Erich na wala palang sariling sasakyan si Enchong dahil ang ginamit nilang Montero SUV ay gamit din ng buong pamilya niya.

 

Sabi ng aktres, “tama let’s be practical.”

 

Pinansin ni Erich ang mamahaling pabango ng binata at ang paliwanag ni Enchong, “ang explanation ko riyan, okay lang magmukhang dugyot, huwag lang mag amoy dugyot.”

 

At ang payo ni Enchong dapat laging may chocolate sa sasakyan in case magutom siya sabay pakita ng naka-imbak na pagkain, “expired na yata, basta dapat laging may chichi.”

 

Hirit naman ni Erich, “ako naman kahit expired kinakain ko, may effect ba ‘yun?  Sa tiyan ‘no?”

 

May pouch na nakita si Erich at pinatanggal kung ano ang mga laman tuald ng Covid free certificate ng aktor, maliit na pabango, vicks vaporub, Lola Remedios, isa pang liniment na tinawag na lolo moments, eye drops at kaunting cash, P400 at Peri-Peri gift certificate at suklay.

 

Napansin ding naka-pajama si Enchong, “ito kasi ang trip ko sa buhay, masyadong maaliwalas, manipis, sobrang comfy (comfortable), ‘di ba? Kaya kahit nasa labas ako ternohan mo lang ng mamahaling sapatos.”

 

May mga pagkain ding nasa loob ng sasakyan na binili ni Enchong sa isang online seller na gusto niyang suportahan at ang kanyang taping chair na lagi niyang bitbit para anytime puwede siyang umupo ‘pag gusto niya at nakare-relax base sa pagkakaupo ng aktor.

 

Iniba na ni Erich ang topic at tinanong kung kumusta ang puso ng kaibigan, ‘hows your heart? Still beating?’

 

“I’m happy just being single. I’m so used being single, so I’m fine,” seryosong sagot ng binata.

 

Sundot ng aktres, ‘Kailan ka ba huling nakipag-date?’

 

“I go on dates naman like last year, pero ngayon, I can’t do it na. But sige let’s go out,” sagot ni Enchong.

 

Ano ang kayang i-tolerate ng binata, bad breath o bad odor?

 

“Anything may bad hindi ko kaya kasi masyadong malakas ang pang-amoy ko,” mabilis na sagot ni Enchong.

 

Pero sa kalaunan baka kayanin niya ang bad odor kaysa bad breath.

 

Samantala, natanong ni Erich ang kaibigang aktor kung ano ang plano nito sa future.

 

 “I’m in an area of my life wherein ‘yung path ko soon would just divide. And that’s the hardest part, to make a decision again.

 

“Because the last time I made a decision about whether to continue my swimming or show business, it was such a hard decision. But I told myself I don’t want to have any regrets.”

 

Inamin ding plano ng aktor na mag-lie low muna sa showbiz.

 

“So, itong susunod na to will also determine kung who I want to be in 10 years. So I told myself I will probably retire from working regularly.

 

“Kailangan kong mag-make ng decisions soon. Either to continue what I love doing which is our work or do something more substantial. Either in business or for my country, ‘di ba?” sambit pa.

 

Sa ilang buwang lockdown ay hindi itinago ng binata na nakaranas siya ng anxiety pero nalabanan naman niya iyon.

 

“First of all, embrace this. If you have friend or if you’re with your family, enjoy that. Enjoy that moment.

 

“Especially now. Because ito lang ‘yung mayroon tayo. We always have each other pero magkakahiwalay. ‘Yung you message them with as simple as ‘Kumusta ka?’ ’or ‘I love you’ or ‘I miss you’, malaking bagay ‘yun na nagagawa mo sa ibang tao. As simple as saying hi and hello will go a long way,” paliwanag pa ng binata.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top