Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Tutok CoViD-19 ng BARRM Exec pinuri ng frontliners
Tutok CoViD-19 ng BARRM Exec pinuri ng frontliners

Tutok CoViD-19 ng BARRM Exec pinuri ng frontliners

PINURI ng frontliners sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga accomplishment ni minister Safrullah M. Dipatuan para mapagbuti ang health care system ng rehiyon sa gitna ng pandemic.

Nagpakilala ang frontliners mula sa regional rural health unit sa panahon ng implementasyon ng  ARMM.

Kinilala nila ang commitment ni Dipatuan sa good governance and transparency na nagbigay-daan upang makatanggap ang rural health workers ng  midyear bonus, clothing allowance, at  hazard pay sa unang pagkakataon.

“Facing the pandemic as frontliners, we were never failed by our beloved minister,” opisyal na pahayag ng frontliner from Marawi City.

“The given allowances [inspire] us frontliners to work harder and give our best [to reciprocate] the hard work of our minister,” dagdag nila.

Sa isang Facebook page, nai-post ng  Tamparan Rural Health Office ang mensaheng:  “No words can explain our gratitude for having you as our leader especially in this trying times. [Receiving] our salaries is a big honor, but with midyear bonus and clothing allowance — wow! It’s something we never expected.”

Bukod sa  bonuses at  allowances ng healthcare workers, ipinatupad ni Dipatuan ang regularization ng daan-daang midwives na katuwang ng frontliners sa gera laban sa CoViD-19 na nasagot ang problema sa kakapusan ng health workers sa mga barangay partikular sa mga isla na sakop ng BARRM.

Pinanindigan n  Dipatuan ang garantiya na makaaabot sa kasuluk-sulukang komunidad ang karagdagang pondo para sa mga RHU.

Noong nakaraang buwan, naglaan ang Ministry of Health ng karagdagang P10 milyon para sa provincial at city health offices bilang suporta sa health facilities’ operating expenses sa gitna ng CoViD-19 crisis.

“We are happy to note that immunization, pre-and post-natal checkups, FP counselling, distribution of FP commodities, and the provision of modern FP birth-spacing methods and many other health services continue across the Bangsamoro region,” wika ni Dipatuan.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top