Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, insecure sa maliit na boobs
Nadine, insecure sa maliit na boobs

Nadine, insecure sa maliit na boobs

ISA sa insecurities ni Nadine Lustre noong siya’y nagdadalaga pa ay ang pagkakaroon ng flat na dibdib.

 

Bata pa ito ay aware na siya na maliit ang kanyang boobs, kaya naman  kung may bahagi ito ng kanyang katawan na gustong lumaki ay ang kanyang dibdib na hindi nga nangyari .

 

Kuwento nito nang mag-guest sa vlog ni Angel Dei Peralta“I wish my boobs were bigger. Kasi wala talaga. No, but boobs kasi they’re flat eh,” nang matanong kung may pagkakataong na-insecure sa kabila ng pagkakaroon ng strong personality at confidence.

 

Pero ngayon, tanggap na ni Nadine ang katotohanan na hangang doon lang kalaki ang kanyang dibdib at happy na siya rito.

 

At kahit hindi nga kalakihan ang boobs ni Nadine, kinabog nito ang ibang Pinay celebrities na naglalakihan ng boobs dahil siya ang napili ng H&M para maging brand ambassador ng kanilang Swim Essentials at kering-keri niyang magsuot ng one piece at two piece swim suit.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top