Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Meralco bill ‘overpriced’ (Dahil sa ‘anti-consumer billing process’)

Meralco bill ‘overpriced’ (Dahil sa ‘anti-consumer billing process’)

NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na dapat pag-aralan ng gobyerno ang pagsasampa ng kaso laban sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa hindi maayos at nakababalisang ‘billing charges.’

Sa pagdinig ng Senate Energy Committee na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Hontiveros na ang kanyang posisyon ay base sa ‘anti- consumer billing process’ ng Meralco na kanilang ikinasa sa kalagitnaan ng kasalukuyang COVID-19 crisis.

Diin ng Senadora, dapat imbestigahan ng ERC at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang mataas na singil ng Meralco sa mga konsumer na posibleng may paglabag sa regulasyon ng gobyerno.

Aniya, kung sakaling may paglabag dapat ay agad sampahan ng kaso ang Meralco at pagmultahin dahil sa anti-consumer practices.

Ngayong panahon ng pandemya, sinabi ni Hontiveros na hindi dapat dumagdag na pasanin ang ‘overpriced’ at hindi malinaw na singil sa koryente sa problema, ng mga mamamayan.

“Government should use the full force of the law to put an end to abusive or questionable practices by power firms and other public utilities,” mariing pahayag ng Senadora.

“Kung may nalabag silang ERC order, Meralco should be immediately charged and penalized for its anti-consumer practices. Consumers deserve justice for being made to pay exorbitant power charges at a time when so many have lost their jobs and livelihood,” ani Hontiveros.

Batay sa reklamong natanggap ng opisina ni Hontiveros, nakalagay sa bill ng Hunyo ng Meralco na hindi ito kasama sa ‘installment plan’ na pinapayagan ng pamahalaan.

“Kaya dapat daw fully paid na by June 30. Hindi rin malinaw kung estimate amount lang ‘yung charge nila from February to April, or actual meter reading na,” saad ni Hontiveros.

Tanong ng Senadora, “Sadya bang ginawa ito ng MERALCO para malito ang mga tao at magbayad sila nang buo at walang installment… na labag sa utos ng ERC?”

“May liwanag daw ang buhay…pero bakit parang nangangapa sa dilim ang mga konsumer at litong-lito sa kanilang electric bills?” dagdag ni Hontiveros.

Binigyang diin ni Hontiveros, “nangyari na ang kagayang kalitohan noong buwan ng May. Hindi ko inaasahang mauulit noong June dahil malinaw ang assurances na ibinigay ng Meralco sa huling JCEC hearing.”

Ngunit hanggang sa kasalukuyan marami pa rin ang nagpadala ng reklamo sa opisina ng Senadora tungkol sa MERALCO bills nila.

Aniya, “Iba’t iba ang mga reklamong natatanggap namin. ‘Yung iba, pinapabayad nang buo by June 30 ang bills nila noong lockdown. Ano ang nangyari sa installment?

“‘Yung iba naman, mula sa average na isang libo kada buwan, biglang naging P10,000 ang babayaran.

“Mayroon din sarado ang negosyo na kung tutuusin ay halos walang konsumo sa koryente, pero dumoble pa. Kaya naman hindi mo masisisi ang mga konsumer na magreklamo,” saad ng Senadora.

“And if you look closely, misleading din itong monthly electricity consumption chart. Biglang taas sa May samantalang hindi naman ‘yan ang konsumo mo sa isang buwan lang. Talagang kahit sino’ng tumingin ay magugulat. Sa rami ng problema at pagkalito sa electric bills, pahihirapan pa ang consumer na magkuwestiyon at magreklamo sa Meralco,” nababahalang  pahayag ng Senadora. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top