Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Pepe na si Queenie, principal na sa isang school sa Myanmar
Anak ni Pepe na si Queenie, principal na sa isang school sa Myanmar

Anak ni Pepe na si Queenie, principal na sa isang school sa Myanmar

NADAANAN lang ng aking  paningin ang kumbaga eh, replay na sa natapos ng streaming sa Mulat ng aming “Boss” sa Team MSB na si Shandii Bacolod na maraming bagay siyang naibahagi sa mga uminterbyu sa kanya roon.

 

Ang host ng palabas eh, pamilyar sa akin. Dahil isa lang ang kilala kong Queenie sa ginagalawan kong mundo. Lalo na sa mundo ng Musika.

 

Siya nga ba ‘yun?

 

Oo nga! Si Queenie Haze Smith. Anak ng yumaong alamat ng Rock N’ Roll na si Joey “Pepe” Smith (kay Gigi).

 

Ang mestiza pa rin niya. Maganda pa rin at sexy. Bumanat ng awit ng Evanescence na Bring Me To Life. Aba! Mayroon pa.

 

May mga ikinomento ako sa kanyang palabas. Dahil replay nga lang, kinabukasan na niya nabasa. At hinanap na ako.

 

Imagine mo, ‘yung bubuntot-buntot sa tatay niyang bagets noon eh, guro ngayon at principal sa isang paaralan sa bayan ng Myanmar.

 

Nagkakuwentuhan kami ni Queenie, na may limang taong gulang ng anak, si Zeus at hiwalay na sa tatay nito.

 

Marami rin palang pinagdaanan ang babaeng ito. Na noon, iisipin mong isang happy-go-lucky lang na nilalang.

 

“Now ko na-realize, Tita na dream ko rin pala ang maging host. Dati, para may maipakain ako sa anak ko, kahit hindi ko naman kumbaga, linya nagbenta ako ng lupa. Gulaman at sago lang, barbecue, okay na para pantawid-gutom lang.

 

“I was planning to form a group sana. Banda. But thanks, but no thanks, walang tumulong sa akin. Pumasok din ako sa comedy bars. Sandali lang. Through the help of a friend na hindi from our industry kaya napasok ako as a teacher in Myanmar. Friend na nakilala ko in Thailand noong sinubukan ko rin ang kapalaran ko roon na kumanta-kanta.

 

“Rito na umayos ang buhay mamin ng anak ko. Hindi madali sa unang school na pinasukan ko. I was bullied. And guess what, mga kapwa ko Filipino mga kasama ko roon. Oo, alam naman nila kung sino ang tatay ko. Nang mawala si Papa ni isa, walang nag-condole sa akin. Inggit siguro. Kaya lumipat na lang ako. And dahil sa maganda kong record, naging Principal ako. Pero maraming parents na gusto, ako pa rin ang maging teacher ng mga anak nila.

 

“Well-compensated naman. Before CoVid-19 happened. Ngayon, online na rin ako magtuturo. Rito naman sa ‘Mulat,’ kaibigan ko rin ang nagpakilala sa akin sa mga boss. Salang na agad. So, noong una, ako ang gumawa ng concept ko, script at hanap ng guests ko. Up to now, ayan naghahanap ako ng mga pwedeng i-guest sa aking ‘The Chi-QUENNIE-Nie Show.’ Si Shandii ang third guest na ini-refer din sa amin ng isang friend ko. May co-host ako, si Quincy Joel Cahilig. Pero soon, iiwanan din ako to do my solo bit. Sabi ni Direk  Meric (Mara) after na interbyuhin ako about my life, past and dreams, may potential  ako sa gusto kong gawin. Kaya, here I am. Kahit nasa malayo, I wanna pursue this na. Maybe continue pa rin with my singing dahil nandiyan pa rin ang Project Q Band namin. Ngayon, nag-aaral kami mag-play ng Ukulele ni Zeus.

 

“Sana lang, marami pa akong mai-guest sa aming 10 p.m. slot sa Mulat TV Channel every Saturday. Para makakuha rin ng sponsors. I am finding it entertaining, sa mga nakakatsika ko. Like si Janice Javier, Tutti Caringal, ang Buwi, then Shandii. Umaariba pa rin ang pagiging comedy bar host ko. Masaya. Kaya sana, magtuloy-tuloy na.”

 

Ayon naman kay Queenie, may communications pa rin siya sa mga kapatid niya tulad nina Peyaps-kina BeBop, Clang, at Delta na ang dalawa ay nasa ibang bansa na, in Florida, USA and Australia.

 

Naniniwala si Quennie na, “If you want to be famous do it on your own… Be yourself, be unique… And love what you’re doing… Passion comes from within not from people’s vote! Hear me?”

 

Sabi ko, pansin ko, uma-aura siya ng mala-Angelica Panganiban. Malay natin.

 

Ang haba na pala ng panahong dumaan talaga. At ngayon, Pepe’s girl is one empowered woman!

 

Subaybayan ang The Chi-QUENNIE-Nie Show ang Queen of Kalog!

 

Marami pa akong istoryang aalamin!

 

Ang panayam nila kay Shandii, eh hindi natapos sa harutan. Malaman at makabuluhan!

 

Walang kukurap!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top