Thursday , August 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / T.G.I.S, memorable para kay Dingdong
T.G.I.S, memorable para kay Dingdong

T.G.I.S, memorable para kay Dingdong

SA dalawang dekadang makulay na karera ni Dingdong Dantes sa showbiz, itinuturing niyang pinaka-memorable ang pagkasama sa youth-oriented TV show na T.G.I.S.

 

Kuwento ni Dingdong, “Para sa akin, ‘yun ‘yung pinaka-memorable dahil ito ‘yung panahon na nag-aalangan pa ako kasi ‘di ko alam kung ano bang gusto ko pero nandoon ako. Hanggang sa after ng show na ‘yun, unti-unti ko nang nagustuhan ‘yung pag-arte.” 

 

Ito rin ang unang show na pinagsamahan nila ni Direk Dominic Zapata na kasalukuyan din n’yang director sa Pinoy adaptation ng Descendants Of The Sun (DOTS).

 

At ang maganda pa, pwede na ulit mapanood ang T.G.I.S sa tulong ng GMA Affordabox.

 

“Imagine these shows na tinatanong natin dati kung kailan ba natin mapapanood ulit? Ngayon, maaari siyang magkaroon ng rerun na mas makulay at mas malinaw,” dagdag pa ni Dingdong.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top