Tuesday , July 7 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pinangaralan ang barubal na basher
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pinangaralan ang barubal na basher

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, pinangaralan ang barubal na basher

Minura ng isang basher si Ryan Agoncillo dahil hindi raw tumupad sa pangakong bibigyan ng massage si Judy Ann Santos kapag nai-shoot nito sa bowl ang hawak na egg shell.

Pati magulang ni Ryan ay dinamay dahil suppposedly sa umano’y hindi magandang pagpapalaki nito sa anak nila.

“Ano ulit sabi mo nung sinabi ni Juday na mamassage mo sya kasi nashoot nya ang shell ng egg

“Tapos sagot mo: I got hassled i didnt say yes to do that!!!

“G*** ka lang talaga u*** ang yabang mong bansot ka palibhasa patay na patay si Juday sa iyo

“P******** mo para tanggihan si juday g***”

Nakarating kay Ryan ang maaanghang na binitiwang salita ng basher but far from getting mad or angry, he was the paradigm of understanding and compassion.

Far from getting mad, inintindi ni Ryan ang basher na obvious na kulang raw sa pagmamahal.

Sinabi pa ng aktor na maaari raw siyang i-direct message ng basher if he needs someone to talk to.

Ryan’s statement): “Ang taong nanakit kadalasan may pinagdaraanan pero walang umiintindi at patuloy na nasasaktan.

“Kung ito ang paraan mo ng pagtawag ng pansin, sige paglalaanan kita ng panahon. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.

“Dito natin itigil ang sakitan. Ano bang problema? Maaaring dito ka sumagot o kahit mag DM ka. pakikinggan kita.”

Sinagot rin ni Judy Ann ang wagas na pagmumura ng basher, hindi lang kay Ryan kundi pati sa mga magulang nito.

Hurting raw ‘yun dahil itinuturing rin niyang mga magulang ang kanyang in-laws.

Wala naman daw nagawang masama ang kanyang mister, at hindi na raw dapat pang gawing isyu ang pagtanggi nito sa kanilang bet.

Idinagdag pa ni Juday: “At oo… patay na patay ako sa asawa ko dahil asawa ko siya… may problema ba?

“Gano’n kami maglambingan, tulad ng iba ring mag aasawa…

“Ayoko sanang patulan ka… pero tama si Ryan… baka kelangan mo ng taong papansin sa ‘yo… eto… pinapansin ka na…

“Baka sakaling sa paraang ito makaramdam ka na may mga taong makikinig sa sentimyento mo…”

Afterwards, sumagot pa rin ang basher at nagsabing “mahal” niya si Judy Ann kaya ganoon na lang ang panggigigil niya kay Ryan.

Sagot naman ni Ryan: “Mabuti naman sumagot ka na.

“Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal na hindi ikabababa ng dignidad mo bilang tao at ng kahit sino man.

“Sana maliwanagan ka’t mahimasmasan.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top