Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julian Trono, ‘di mapigilan ang pagtulong

Julian Trono, ‘di mapigilan ang pagtulong

HANGGANG ngayon’y naglilibot pa rin si Julian Trono sa iba’t ibang lugar para mamahagi ng ayuda at gamot. Hindi niya alintana na posible siyang mahawa sa ginagawa. Ang mahalaga kasi sa actor ay ang makatulong.

 

Dire-diretso pa rin ang ginagawa niyang paghahatid ng tulong kasama ang kanyang team.

 

Ang mga magulang niya, lalo ang kanyang inang si Tita Dallia Trono ang natatakot sa ginagawa ni Julian dahil sa iba’t ibang taong nakakasalamuha nito habang namimigay ng tulong.

 

Pero hindi mapipigilan ang kagustuhan ni Julian na makatulong sa abot ng kanyang makakaya kaya naman sinasabi na lang ni Tita Dallia na mag-ingat ito at palaging magsuot ng face mask or face sheild at magbaon ng alcohol na siya namang sinusunod ni Julian.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top