Friday , April 26 2024

#ThinkTok ng 24 Oras, patok sa viewers

MABENTA sa mga manood, mapa-bata o matanda, ang bagong segment ng 24 Oras, ang #ThinkTok.

Base sa intro ni 24 Oras anchor Vicky Morales noong Biyernes, layunin ng #ThinkTok na sama-sama ang viewers na mag-aral ng iba’t ibang leksiyon sa pamamagitan ng telebisyon.

Sakto sa Independence Day ang first topic dahil tungkol ito sa Philippine Flag. Pinangunahan nina Mariz Umali at ng Kapuso child star na si Yuan Francisco ang pagbibigay-kaalaman hindi lang sa pinagmulan at ibig sabihin ng kulay ng ating watawat kundi pati na rin pagbabahagi ng trivia sa watawat ng ibang bansa.

Nakaaaliw si Yuan mapanood na tila nagti-TikTok habang ipinaliliwanag ni Mariz ang mga impormasyon.

Magaling ang konseptong ito na naisip ng 24 Oras dahil kuha nito ang kiliti hindi lang ng mga tsikiting kundi ng mga manonood na mahilig sa nauusong video sharing app. Pero siyempre, mas pinaganda pang lalo ng 24 Oras ang presentation nito.

Sa intro pa nga lang, mapapabilib ka na dahil sa immersive graphics na ginamit dito. Para ngang nasa loob mismo ng classroom si Vicky dahil napaliligiran siya mga school chair. Dahil na rin sa Covid-19, hindi pa makabalik-eskuwelahan ang mga estudyante kaya maganda ang ginawang ito ng 24 Oras dahil hindi lang nare-refresh ang kaalaman natin sa mga lesson sa school, may mga bagong impormasyon pa tayong natututuhan.

Ano kaya ang susunod na lesson sa #ThinkTok?

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *