Saturday , September 13 2025

Maraming pasaway sa Pasay

KAMAKAILAN ay sumailalim sa total lockdown ang Primero de Mayo St., sa lungsod ng Pasay dahil napabalitang  may nagpositibo sa COVID-19, pero heto na naman… mga pasaway! Mismong mga vendor ang walang face mask!

Kapag nagawi ka sa mga nagtitinda, partikular sa tindahan ng niyog hindi nakasuot ng face mask ang mga vendor! Ang titigas ng ulo!

Majority ng nagtitinda walang face mask! Habang ang mga namimili ay nakasuot…

Ang lugar na binabanggit ko ay karugtong lamang ng mga nagtitinda sa pamilihang bayan ng lungsod ng Pasay. Nakapuwesto rito kadalasan ay mga maggugulay, tindahan ng niyog, at mga sangkap sa pagluluto ng ginataan pang meryenda.

Ano na ang ginagawa ng barangay dito? Walang pakialam?

Kahit GCQ na ang lungsod ng Pasay, dapat pa rin tayo mag-ingat dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin tumataas ang mga apektado ng COVID-19.

Pati mga traysikel, na dapat isa lang ang pasahero hindi nasusunod. Bukod sa backride sa likod ng drayber nagpapasakay pa ng dalawang pasahero… Ano ba ‘yan Me Ace Sevilla, suspendehin dapat ang mga prankisa ng mga traysikel, kesehodang mawalan ng kita mga drayber at mga operator!

***

Papayagan nang magbukas ang mga restaurant o mga kainan, pero ‘di pa 100 percent dahil paiiralin pa rin ang social distancing kaya hindi pa rin makababawi ang mga nego­syante dahil konti lang ang mga customer na puwedeng pumasok. Hirap makabawi ang mga nego­syan­te, marami na ang nagsara. Marami ang nawalan ng trabaho. Lalong kawawa ‘yung mga negosyanteng nagbabayad ng renta na kung minsan ay may isyung tseke sa loob ng isang taon. Tuloy-tuloy ang deposito para sa maisyung tseke.

Sa Baclaran malls, isang taon ang iniisyung tseke ng bawat stall owner ‘e tatlong buwan nang sarado walang benta walang kita! Kailan pa sila makaaahon? Kung maraming negosyo ang magsasara, apektado ang local government dahil apektado ang business taxpayers!

Mga dalawa o tatlong taon pa bago muling makaahon ang ating bansa, paano ang mga nawalan ng trabaho? Sinong negosyante ang magpapasuweldo ng tauhan kung wala namang kinikita! At kahit magbukas ang mga tindahan ng mga damit, sino ang bibili? Kahit bargain, baka wala na kasi ang dahilan, walang pera ang mga tao!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *