Saturday , April 27 2024

Vilma, tutok sa pagiging politiko, pag-aartista naisasantabi na

SINABI nang diretsahan ni Congresswoman Vilma Santos na pabor siya sa anti-terrorism bill na hiningi bilang urgent measure ng Malacanang sa Kongreso, pero sinabi niyang may reservations siya dahil baka naman magamit iyon sa abuso sa karapatang pantao. May nakikita rin kaming kaunting butas sa batas na iyon, at delikado nga kung iisipin, lalo na kung ipatutupad nang wala sa ayos.

Gaya rin naman iyan ng Tokhang, maganda ang layunin, sumablay sa pagpapatupad.

Pabor kami sa ginagawa ni Ate Vi, na talagang nakatutok siya sa kanyang trabaho bilang isang mambabatas. Talagang makikita mong pinag-aaralan niya lahat ng mga panukalang batas na inihaharap sa kongreso. Aminado naman siya na tinutulungan siya ni Senador Ralph Recto sa pag-aaral ng mga batas. Pero mayroon din kaming “reservations.”

Paano naman ang pagiging aktres ni Ate Vi? Kahit na sabihin mong 21 taon na siyang politiko, hindi dapat kalimutan na mahigit 50 taon naman siyang isang aktres. Aminin man natin o hindi, mas kilala si Ate Vi bilang aktres. Mas maraming accomplishments si Ate Vi bilang isang aktres. Totoo, nakuha na nga niya ang pinakamataas na karangalan para sa isang elected public official, pero maikukompara mo ba iyon sa halos dalawang kuwarto ng kanyang mga nakuhang tropeo bilang isang aktres?

Ang daming artista ngayong walang trabaho, at nangangarap na magkaroon man lang ng pelikula kahit na bit role, tapos si Ate Vi, dahil sa kanyang ibang trabaho, hindi napapansin ang napakaraming offers para gumawa ng pelikula.

Totoo, hindi kailangan ni Ate Vi ang pelikula, pero kailangan siya ng industriya dahil kailangan ngayon ang isang artista na siguradong kikita ang gagawing pelikula. Ang mga sinehan, kung magbukas man, 50 percent capacity lamang ang papayagan, tiyak ang kasunod niyan itataas ang admission prices, eh sino ang manonood kung hindi box office star ang bida? Hindi ninyo masasabing lahat na lang ng pelikula gagawin ni Kathryn Bernardo.

Kailangan namang gumawa na ng pelikula si Ate Vi.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *