Tuesday , August 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mel at Mike, balik-24 Oras
Mel at Mike, balik-24 Oras

Mel at Mike, balik-24 Oras

GOOD news para sa mga naka-miss sa trio nina Mel TiangcoMike Enriquez, at Vicky Morales dahil simula noong Lunes, June 1, nagbalik na sina Mel at Mike sa 24 Oras. Hindi naman nahirapan si Vicky sa mga panahong wala sina Mel at Mike, dahil sina Jessica Soho at Atom Araullo ang pansamantalang nakasama sa primetime newscast ng GMA.

Sa pagbabalik ng triumvirate na Mel-Mike-Vicky, asahan na nga na patuloy ang 24 Oras sa pagbibigay ng balitang walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan. Serbisyong Totoo lamang.

Lalo pa ngayon na hindi lang pala sa TV tinututukan ang 24 Oras, dahil pati sa online ay ito pa rin ang nangungunang local newscast! Napapanood ito online sa YouTube channel at Facebook page ng GMA News.

Welcome back, Mel at Mike! Talaga naming na-miss namin kayo!

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top