Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / TF, maraming nasaktang tao
TF, maraming nasaktang tao

TF, maraming nasaktang tao

SA pamamagitan ng Marketing Manager and Media Relations Officer ng BBS o Binondo Beauty Supply na si Edz Santos, nagkaroon ng pagkakataon na makaniig ng mga tao ang endorser ng kanilang  mga produkto pagdating sa beauty supplies all over the country na si TF o Fanny Serrano.

Nagbukas ng maraming saloobin sa kasalukuyang sitwasyon ang Beauty Guru na nakilala na lalo sa balat ng showbiz mula pa noong 80’s.

 

“Do not entertain depression. Lahat tayo ay pantay-pantay na ngayon. Isang na-realize ko eh, ang pagkakaroon ngayon ng bonding ng mga pamilya. Sabi ko, Lord, thank you! Kasi lahat na naging busy sa trabaho. Ngayon mas nakikilala nila ang pamilya nila.”

Nasa proseso ng pagpapa-renovate si TF ng kanyang salon bago nagkaroon ng lockdown.

“Hindi ako makalabas. Madalas lang ako sa room ko. Na-realize ko nga na dapat, hindi tayo nagagalit o nanggagalaiti sa mga gumagabay sa atin lalo sa gobyerno. Wala naman tayo sa mga meeting nila.

“Maging taimtim tayo sa pagtawag sa Panginoon. Kausapin niyo Siya. Ako nga nagsasalita sa room ko. Kinakausap ko siya. Kung ano ang nasa puso niyo, ‘yun ang sabihin niyo sa Kanya. Hindi ang mga memorized na dasal.

“Magsisimula na rin kami na magbukas pero ‘yun nga pailan-ilan lang muna. Dapat sa June 7, 2020 ang opening.”

Ano pa ba ang natutuhan niya sa mga muni-muni niya?

“Ang sakit sa dibdib. Noong nakakapanood ako ng mga pelikula sa YouTube at nababalikan ko ang nakaraan ko. Naalala ko na marami pala along mga taong nasaktan ang mga kalooban. Mga taong binalewala ko sa buhay ko. Para sa career ko. Marami pala ako sinayang na panahon. Nag-flashback lahat. Tumutulo na lang ang luha ko.”

At naiyak si TF.

“Naisip ko kasi ang mga taong hindi ko napatawad noon. Naiisip ko rin kasi na baka hindi pa rin nila ako pinatatawad. Kaya idinadasal ko na lang sa Diyos. Sa ngayon, wala na po akong sama ng loob. 

“Sa ngayon, ang pwede ko lang i-advise, gamitin natin ang mga talento natin para maging inspirasyon sa iba. May mga nakikita kasi ako na naglalantaran ng mga katawan nila na alam naman nating nakikita rin ng mga bata. Galit ako sa mga ganoong postings. Ano ba maitutulong niyon? Lalaki, babae, hubad. I’m sorry!”

Bina-bash din siya. Puro kasi religious things ang ipino-post niya.

“Ano ang gusto, demonic posting? Marami nga ang nagre-react sa akin. May magaganda rin namang nagre-react. Doon, fine na ako. Kaya, huwag tayo matakot makipag-kapwa tao. Huwag mamahinga lang. Practice tayo ng mga bagay while on lockdown. Ako, nanonood pa rin ng bagong mga paraan ng pag-a-apply ng make-up from the millennials.”

At sabi nga ng bosses niya sa BBS, uumpisahan na ang kanyanng Fanny Serrano vlog at mukhang ito nga ang simula nila ng Diva Salonistang si Edz na ipahayag na ang nasabing mga plano.

Magkakaroon pa ng part 2 ang tsikahan sa FB at nasisiyahan ang mga nakikipag-usap sa kanila dahil maya’t mayang may treat, lalo na sa salon owners ang BBS. At very soon, sari-saring salon products and equipment ang kanilang ipara-raffle sa manonood, makikinig, at magse-share nito sa FB.

Tutukan na!

More than sa mga pasabog, masarap pa rin pakinggan ang words of wisdom mula sa iconic ng beauty guru ng ating celebrities.

Na pinagpakumbaba ng panahon!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top