Sunday , July 5 2020
Breaking News
You are here: Home / News / PRC hotline sa mabilis na COVID-19 test results
PRC hotline sa mabilis na COVID-19 test results

PRC hotline sa mabilis na COVID-19 test results

MAYROON nang hotline service ang Philippine Red Cross (PRC) para mas mabilis na ma-access ng mga naghihintay ng kanilang COVID-19 test results.

 

Ayon kay PRC chairman at Senator Richard Gordon, ang mga naisailalim na sa test ay puwedeng tumawag sa numero 1158.

 

Ibibigay ang pangalan at hahanapin ito sa database ng Red Cross.

 

Ito ay para matiyak aniya na agad maipadadala o makukuha ng indibiduwal ang resulta ng kaniyang test.

 

Sa Red Cross, ang proseso ng swab test ay tumatagal ng isa  hanggang tatlong araw at agad naipadadala sa government agencies ang resulta. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top