Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tulak, syota nasakote sa buy bust
Tulak, syota nasakote sa buy bust

Tulak, syota nasakote sa buy bust

ISANG fish dealer, nakaulat na drug pusher, at 23-anyos babe ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon uwebes ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Jacky Artacho, 30 anyos, markadong tulak ng Pescador 1, Barangay Bangkulasi; at si Sarah Dijugan, 23 anyos, residente sa Tulay Kinse, Barangay Daanghari, kapwa ng Navotas City.

 

Sa ulat, dakong 12:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng buy bust operation laban sa mga suspek sa C4 Road Leisure Park, Barangay BBN ng lungsod.

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.

 

Nakompiska sa mga naarestong suspek ang nasa 13.25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang P90,100 halaga, buy bust money, at P300 cash. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top