Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jo Berry, muling nagpasalamat sa tumangkilik ng Onanay rerun
Jo Berry, muling nagpasalamat sa tumangkilik ng Onanay rerun

Jo Berry, muling nagpasalamat sa tumangkilik ng Onanay rerun

INIERE kamakailan ang finale episode ng rerun ng Onanay sa GMA Afternoon Prime. Ikinatuwa ng mga televiewer na muling mapanood ang nakaaantig na kuwento ng bidang si Onay at ng kanyang mga anak tuwing hapon habang hindi pa muna nakababalik sa regular programming ang mga teleserye ng Kapuso Network.

Nagpasalamat ang aktres na si Jo Berry sa lahat ng muling sumubaybay ditto. “Maraming Salamat po sa lahat ng nagmahal at sumubaybay ulit sa ‘Onanay!’ Last VO ni Onay March 15,2019 around 2pm maga ‘yung mata ko from iyak and no sleep, medyo iba rin ‘yung boses ko niyan.”

Bukod kay Jo, naging bahagi rin ng Onanay sina Nora Aunor, Mikee Quintos, Kate Valdez, at Cherie Gil.

Pinalitan naman ito ng Philippine adaptation ng hit Korean drama na Stairway to Heaven na makikita ulit ang chemistry ng tambalang Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top