Wednesday , September 17 2025

Daniel at Joshua, mapapanood sa Actors Cue

NAKU tiyak na interesting na naman ang talakayan ngayong araw ng Actors Cue na nasa ika-10 series na.

Kung nag-enjoy kayo sa mga naunang talakayan ng mga artist, ngayong araw iba naman dahil sina Daniel Padilla at Joshua Garcia ang makakasama para pag-usapan ang ukol sa kanilang mga naging pelikula gayundin ang ilang process ng kanilang pagiging actor sa isa na namang special edition ng Actors Cue para sa #ExtendTheLove initiative. Mamaya na po ito, 7:00 p.m. sa fb.me/ExtendTheLove.

Bukod sa dalawa, makakasama rin si Zanjoe Marudo gayundin ang moderator nito at magaling na director na si Adolfo Alix Jr. Ang event  na ito ay para sa mga displaced film worker na naapektuhan ng quarantine.

Ang #ExtendTheLove ay isa ring paraan ng pagtulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Sinimulan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pag-i-screen ng mga pelikula online at pagkaraan ay ang live sessions.

Ang Actor’s Cue  ay isang online session ng mga actor na ikinukuwento nila ang tungkol sa kanilang mga nagawang pelikula gayundin ang kanilang passion. Nakapag-guest na rito si Jaclyn Jose gayundin si Piolo Pascual.

Samantala, maaari kayong mag-share sa #ExtendTheLove sa pamamagitan ng BDO Account Name: Robert John Liboon,
Account Number: 008750028001; o sa BPI Account Name: Alfredo Villar, Account Number: 2570008156; o bisitahin ang fb.me/ExtendTheLove para sa ibang detalye.

 

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ella Ecklund Kathryn Bernardo

Newbie actress Ella Ecklund susubukin kapalaran sa bansa

MATABILni John Fontanilla VERY talented ang teen actress na si Ella Ecklund, 14,  isa ring modelo at …

Rouelle Cariño Matt Monro

Mga anak ni Matt Monro kinontak si Rouelle Cariño 

MATABILni John Fontanilla A star is born sa katauhan ng 14 taong gulang na taga-Valenzuela …

Vilma Santos Divanation Rizza Salmo Venus Pelobelo Princess Shane

Divanation starstruck kay Vilma, book signing dinumog

HARD TALKni Pilar Mateo STARSTRUCK sa inawitan nilang gobernadora at itinuturing na ICON ng Philippine …

Tara Nood Tayo Bongbong Marcos Liza Araneta

PBBM, big stars, at top executives sa industriya, nakiisa sa infomercial ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PORMAL na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification …

Kyline Alcantara birthday fans sunflowers

Kyline naiyak sa pa-birthday ng Sunflower fans

I-FLEXni Jun Nardo NAIYAK ang Sparkle artist na si Kyline Alcantara sa harap ng kanyang fans sunflowers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *