Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bitcoin scammer timbog  
Bitcoin scammer timbog   

Bitcoin scammer timbog  

INARESTO ng mga tauhan ng Warrant Section ng Pasay City Police ang kontrobersiyal na Bitcoin scammer kahapon.

 

Nahuli ng mga tauhan ng warrant section ng Pasay Police sa pangunguna ni P/EMS Edgar Bolivar at Parañaque Sub-Station 6 ang suspek na si Malvin Kistiakowsky Chaneco Tianchon sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

 

Sa inisyung warrant of arrest ni Hon. Judge Jose Lorenzo dela Rosa, ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 117 noong 11 Marso 2020 sa kasong Estafa may kaugnayan sa RA 10175.

 

Hindi nagrekomenda ng piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

 

Kaugnay nito, hinimok ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang mga naging biktima ni Tianchon na magtungo sa tanggapan ng Pasay City Police para magsampa ng reklamo. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top