Friday , April 26 2024

Bruce, masayang napagsama sa isang bahay ang pamilya niya kay Demi at sa bagong asawa

MARAMI ang natutuwa sa maayos at masayang pagsasama-sama sa iisang bahay ng dalawang pamilya ng Hollywood idol na si Bruce Willis, 65, ngayong panahon ng quarantine halos sa buong mundo dahil sa pandemic na Covid-19.

Ayon sa ilang news and entertainment websites sa Amerika, kasama ni Bruce sa isang mansyon sa Hailey, Idaho, USA ang dati n’yang misis na si Demi Moore, 57, at mga anak nila, pati na ang kasalukuyang maybahay niyang si Emma Heming, 45, at ang dalawa nilang anak na pareho ring mga babae at paslit pa.

Tatlong babae ang mga anak nina Bruce at Demi. Dalawa sa mga iyon ay dalagang-dalaga na, at kasama niyong dalawa sa mansyon ang kanya-kanyang boyfriend.

Si Demi, na isang Hollywood movie idol din, ang may-ari ng mansyon sa Idaho. Ang mansyon ay nasa loob ng isang mistulang asyenda. Binili ni Demi ang villa na ‘yon noong 2000 pagkatapos nilang magdiborsyo ni Bruce.

Dati ring may malaking bahay sa Idaho si Bruce sa Idaho, partikular na sa Sun Valley. Sa bahay na ‘yon lumaki ang mga anak nila ni Demi, pero ibinenta ‘yon ng aktor noong 2018.

Pero gaano ba kalaki ang sariling bahay ni Demi sa Idaho?

Ayon sa deskripsyon ng website dailymail.com, apat na pamilya ang pwedeng manirahan doon ng komportable nang sabay-sabay. (May aerial shot pa ng bahay at lupa ni Demi sa report ng Daily Mail.)

Si Demi ang may napakaraming litrato ng dalawang pamilyang masayang nagsasama ang nag-post sa kanyang Instagram (@demimoore). May ipinost din ang panganay nilang anak na si Tallulah, 26, ng ilang larawan.

Ipinagtapat din ni Tallulah sa isang post n’ya na ang pagpunta n’ya sa Idaho para roon mag-quarantine ay ang unang okasyon sa loob ng tatlong taon na makikipagkita sa kanyang ina. Tatlong taon silang ‘di nag-usap. Parehong ‘di nagbigay ng detalye ang mag-ina kung bakit sila nagkaraon ng tampuhan na tumagal ng tatlong taon.

“I’m thankful to be with them today and everyday,” simpleng pagtatapat ni Tallulah na noong Mother’s Day pa umuwi sa bahay ng nanay n’ya.

May ipinost si Demi noong Mother’s Day na litrato na magkakasama ang dalawang pamilya. Caption ng dating napakasikat na Hollywood actress: “Happy Mother’s Day from our Big ol Mixed Family to Yours… To all the Mothers in this photo, The future Mothers, and the papas and future papas that help us become Mothers.”

Pero pareho ngang masaya ang mag-inang Demi at Tallulah sa pagba-bonding ng pamilya nila sa bagong pamilya ng ama nila.

Lahat ng tatlong anak nina Bruce at Demi ay “stepmom” ang tawag kay Ema, at “stepsisters” naman ang tawag nila sa mga anak ng ama nila kay Ema. Eight years old at six years old pa lang ang mga anak nina Bruce at Emma.

Pagtatapat naman ng anak nina Bruce at Demi na si Scout, 28: “It’s been really funny having both my parents at this house.”

Mukhang planado naman ang pagsasama-sama nilang ‘yon. May litrato silang dalawang pamilya (kasama na ang boyfriends ng unang dalawang anak na babae na sina Tallulah at Scout) na pare-pareho ang mga pajama at bawat isa ay may hawak na pare-parehong libro.

May mga litrato rin naman sila sa loob at labas ng bahay na ‘di magkakapareho ang suot. Halimbawa ay ‘yung nakaupo silang lahat sa paligid ng isang mesa at nagdu-drowing ng kung ano-ano samantalang si Demi ay isang giraffe ang idinodrowing.

Noong 1987 ikinasal ang dalawang global idols at noong 2000 naman sila nagdiborsyo pero nanatiling magkaibigan. Naging boyfriend ni Demi ng ilang taon din ang higit na mas bata sa kanya na aktor na si Ashton Kutcher. 

Pinakasalan ni Bruce si Emma noong 2009. Dumalo si Demi noong nag-vow renewal sina Bruce at Emma. Dumalo naman sina Bruce at Emma sa book launching ng memoir ni Demi noong nakaraang taon na ang titulo ay Inside Out.

Sa Los Angeles, California naninirahan sina Bruce at Emma at ang kanilang mga anak. Wala pang balita kung kailan sila babalik doon, lalo pa’t ‘di pa naman humuhupa ang Covid-19 sa mga syudad ng Amerika.

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *