Saturday , June 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante at mga guro tiniyak ng DepEd
Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante at mga guro tiniyak ng DepEd

Kalusugan, kaligtasan ng mga estudyante at mga guro tiniyak ng DepEd

KOMPIYANSA ang Department of Education (DepEd) na segurado ang kaligtasan at kalusugan ng mag-aaral at mga guro sa darating na pasukan.

 

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nauunawaan niya ang takot at pangambang nararamdaman ng mga estudyante, mga magulang at mga guro hinggil sa pagbabalik ng klase sa Agosto.

 

Batid ng kalihim na hindi pa rin ligtas ang nasabing buwan lalo pa’t umiiral pa rin ang krisis ngayon hatid ng pandemyang coronavirus (COVID-19).

 

Ani Briones, magpapatupad ang kagawaran ng ligtas na “back-to-schools program” na bubuuin ng health standards upang matiyak ang kaligtasan ng lahat kapag pinayagan na ang physical attendance sa mga paaralan.

 

“I would like to assure everyone, as I have presented to the IATF [Inter-Agency Task Force], that we will observe all the guidelines of the DOH [Department of Health] and the IATF, on whether the risks classification in a locality will allow face-to-face attendance in schools, or not,” ani Briones.

 

Katunayan, sinabihan umano ng ahensiya ang local government units na hindi na sila gaanong tumatanggap ng mga request para gawing quarantine facilities ang ibang mga paaralan.

 

Samantala, inihayag ni Briones na magiging “major component” ang distance learning sa paghahatid ng kaalaman para sa nalalapit na school year.

 

Bagaman aminado si Briones na marami ang hindi kampante sa ganitong sistemang gagamit ng makabagong teknolohiya, doble-kayod na sila upang maihanda ang bagong pamamaraan sa pagtuturo.

 

“I similarly acknowledge the fears and apprehensions of our learners, parents and teachers, that we might not be ready for distance learning, with issues about access to online platforms and availability of gadgets,” paliwanag ni Briones.

 

“I assure everyone that we are working double time to ready our system, at the central and field units, to deliver accessible and quality distance education,” pagtatapos niya. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top