Tuesday , August 11 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Gat Andres muling binuksan sa publiko  
Gat Andres muling binuksan sa publiko   

Gat Andres muling binuksan sa publiko  

MULING binuksan sa publiko ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABBMC) matapos i-disinfect nang magpositibo sa coronavirus COVID-19 ang ilang health workers.

 

Kinompirma ito ni Dr. Teodoro Martin, Director ng GABMMC, at sinabing ilang wards sa pagamutan ang binuksan sa mga pasyente.

“Nahihirapan na kasi ‘yung ibang city hospital sa rami ng pasyente kaya binuksan na namin,” ayon kay Martin.

 

“Nakahanda na kaming muling maglingkod sa publiko,” dagdag ni Martin.

 

Nalaman na may limang COVID-19 positive ang inaalagaan ngayon ng GABMMC.

 

Sinabi ni Martin, bukas na ang trauma ward at patuloy pa rin ang operasyon ng dialysis center. (VV)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top